INAMIN ng Kapamilya actor na si Kyle Echarri na ayaw niya sa mga artistang nais lamang ng pera at kasikatan.
Sa kanyang naging one-hour live chat session sa ABS-CBN kamakailan, sinabi ng binata na ayaw niya sa mga taong hangad mag-artista para lamang sa pera at kasikatan.
“Pinakaayaw kong attitude sa showbiz…’yong mga taong gustong maging artista para lang sa fame, para lang sa pera,” pagbabahagi ni Kyle.
Aniya, kung ito lang raw ang drive ng isamg artista ay hindi ito tatagal sa industriya.
Baka Bet Mo: Kyle Echarri bakit nga ba solong lumipad papuntang Spain?
Naturunan raw ni Kyle ito dahil bata pa lamang siya ay napalibutan na siya ng mga taong tao na gabay sa kanya.
Dahil nga sa murang edad ay napasok na ng binata amg showbiz industry, marami na siyang nakita na mga artistang nawala sa limelight dahil iba ang mga nais nito sa pagpasok sa showbiz.
“And I learned that at a young age kasi I was surrounded by the right people. That’s one message na gusto kong sabihin sa lahat ng mga pumapasok sa industriya,” sabi ni Kyle.
Dagdag pa niya, “‘Pag na-realize mo na there’s more to this industry, there’s more to the art that we have, then being famous and being rich and all that… our goal is to be storytellers for a good reason.”
Sa ngayon ay parte si Kyle ng teleseryeng “Pamilya Sagrado” na nalalapit na ang pagtatapos.