Sanya, Jak nagluluksa sa yumaong pet dog: ‘Ang sakit, sakit sobra!’

Sanya, Jak nagluluksa sa yumaong pet dog: ‘Ang sakit, sakit sobra!’

Sanya Lopez and Jak Roberto with pet dog Dani

DUROG na durog ang puso ng magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto matapos pumanaw ang kanilang fur baby na si Dani.

Sa Instagram, ibinandera ni Sanya ang ilang throwback pictures at videos kasama ang mahal niyang pet dog, pati na rin ang naging burol nito.

“My Dani Boy…,” bungad ng aktres sa IG post.

Sey niya, “Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla. ‘Yung di mo alam bakit.”

“‘Yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo. Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra,” patuloy niya.

Baka Bet Mo: Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden

Mensahe pa niya a yumaong aso, “Thank you, Dani. My little Danaya boy. Thank you for giving us so much, love. I love you. Run free, my Dani boy, makakapag-laro na ulit kayo ni Jong-jong.”

Nag-post din siyempre si Jak sa kanyang IG account upang tuluyan nang mamaalam kay Dani.

Tulad ng kanyang kapatid, ibinandera niya rin ang ilang pictures kasama ang aso.

“Isa sa pinakamasakit at mahirap tanggapin na pangyayari ito,” pag-amin ng aktor.

Kwento niya, “Halos araw-araw ka sa lap ko dati pag nauupo ako. Kahit matagal na kita di nahawakan at nakasama sobrang ikinalulungkot ko ito, mahirap pero kailangan tanggapin.”

“Mananatili kayo ni Jong-jong sa puso namin, thank you for the happy memories. Our most behaved and clingy dog. Mahal na mahal namin kayo ni Jong-jong,” aniya pa.

Sa comment section, may ilang kapwa-celebrities ang nakiramay sa magkapatid at kabilang na riyan sina Barbie Forteza, Gab Valenciano, Shaira Diaz, Carla Abellana, Kakai Bautista, at marami pang iba.

Wika ng girlfriend ni Jak na si Barbie, “I’m so sorry, mahal ko [brokenhearted, sad face emojis].”

Saad ni Gab, “I am so sorry for your loss, brother. Sending my deepest and most heartfelt condolences.”

Lahad ni Kakai, “Aaaaaw akap melodear [crying face emoji] @sanyalopez”

Read more...