Charo Santos balik ‘Batang Quiapo’ makalipas ang 1 buwan: Sobrang na-miss ko!

Charo Santos balik ‘Batang Quiapo’ makalipas ang 1 buwan: Sobrang na-miss ko!

PHOTO: Instagram/@charosantos

MULING masisilayan sa “FPJ’s Batang Quiapo” ang award-winning actress at dating ABS- CBN CEO na si Charo Santos-Concio!

Siyempre, muli niyang gagampanan ang kanyang role bilang si “Tindeng.”

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng batikang aktres sa kanyang Instagram page makalipas ang isang buwang pagpapahinga dahil sa pagkawala ng kanyang boses.

“My voice is back, kaya balik na rin tayo sa set!” bungad niya sa post, kalakip ang ilang behind-the-scenes photos.

Dagdag niya, “Grabe, halos isang buwan na pala mula nung huling taping ko. Sobrang na-miss ko ang Quiapo, pati na rin ang buong cast, staff at crew!” 

Baka Bet Mo: Manny Pangilinan sa pagpasok ng TVJ at sa pamamaalam ng Showtime sa TV5: ‘Purely business decision at hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS’

Sa pamamagitan naman ng Instagram Stories, ibinandera ni Charo ang isang clip na makikita siyang nasa eksena kasama ang ilang production staff at ilang cast members.

“Back on the Batang Quiapo set,” wika niya.

PHOTO: Instagram Story/@charosantos

Kung matatandaan, tumigil muna sa pag-arte si Charo dahil nawalan siya ng boses at pinayuhan siya ng doktor na huwag munang magsalita.

“Isang umaga gumising na lang ako wala na akong boses. Tapos naisip ko, siguro dahil do’n sa back-to-back taping schedules ko ng ‘Batang Quiapo’ at my military training, bumagsak na ‘yung immune system ko,” sambit niya.

Magugunitang noong nakaraang buwan lamang ay proud niyang ibinida na isa na siyang ganap na reservist ng Philippine Air Force (PAF)!

Proud niyang ibinahagi sa social media ang graduation photos matapos makumpleto ang military training.

“Today marks my graduation from the PAF Reservist training—a journey that was as rewarding as it was challenging,” pagbabahagi niya sa IG.

Sinabi rin ni Charo na dahil sa naging experience niya ay lalo siyang nagkaroon ng “deeper sense of purpose” at mas minahal niya pa ang ating bansa.

Read more...