Awrahan ni Chelsea Manalo sa Miss Universe 2024 pak na pak kay Catriona

Awrahan ni Chelsea Manalo sa Miss Universe 2024 pak na pak kay Catriona

EXCITED much na si Catriona Gray sa pagrampa ng bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 pageant na si Chelsea Manalo.

Pak na pak para sa ating Miss Universe 2018 ang awrahan at overall stage performance ni Chelsea base sa mga napapanood niyang video sa social media.

Sa isang interview, sinabi ni Catriona na looking forward na siya sa paglaban ni Chelsea sa inaabangang grand coronation night ng naturang international beauty pageant.

“I would love to see her personality come out more. But I’m sure she’s being tactical about it.

“There’s a very youthful presence about her, and I’m excited to see how that transforms on stage,” kuwento ni Catriona.

Baka Bet Mo: Video ni Chelsea Manalo bilang empleyado sa hotel viral na, bakit kaya?

Lilipad patungong Mexico si Catriona after ng concert tour nila sa Canada kasama ang iba pang talents ng Cornerstone Entertainment, kabilang na sina Sam Milby at Piolo Pascual.

Isa si Catriona sa magiging behind-the-scenes commentator para sa Miss Universe pageant this year. Ito na ang ikatlong beses na rarampa siya bilang BTS host.

Gaganapin ang Miss Universe 2024 sa Arena CDMX sa Mexico City sa darating na November 17.

“I’m excited, it’s my first time going to Mexico, so I’m really going with fresh eyes and documenting it as well, as I do with every place I go.

“Of course, Miss Universe has a different energy altogether. I can’t wait to be there,” sey pa ni Catriona.

Magsisilbi namang host ng pageant ang aktor na si Mario Lopez habang ang Filipino-American na si Miss Universe 2022 R’bonney Gabriel ay isa sa magiging judge para sa Voice for Change project.

Read more...