Raffy Tulfo sinabing kaanak ng senador ang sakay ng SUV na dumaan sa busway

Raffy Tulfo sinabing kaanak ng senador ang sakay ng SUV na dumaan sa busway

NAPAG-ALAMAN ni Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo na wala sa mga senador ang sakay ng sasakyang may plakang no. 7 na ilegal na dumaan sa EDSA busway.

Matatandaang usap-usapan ngayon na diumano’y senador daw ang lulan ng sasakyan na dumaan sa EDSA Buswag noong November 3, 2024.

Ngunit kahit na wala sa mga senador ang sakay nito, kinumpirma ni Sen. Raffy na kaanak raw ng isa sa mga senador ang sakay ng sasakyan.

Sa isinagawang press briefing ng senador nitong Miyerkules, November 6, inamin niya na ang pasahero ng naturang sasakyang may plakang “7” ay kamag-anak ng senador.

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo walang balak tumakbo sa pagkapresidente sa 2028

“Related ito sa isang senador pero hindi ‘yong senador ‘yong sakay ng SUV na ‘yan at the time. Kamag-anak ng isang senador,” lahad ni Sen. Raffy.

Nang tanungin nanan si Sen. Raffy kung alam niya ang pangalan ng naturang VIP ay tipid na sumagot ito ng “Yes”.

Nabanggit naman ng ilan sa miyembro ng media ang pangalang “William” at “Kenneth Gatchalian” na konektado umani sa Orient Pacific Corp.,

“Ang may-ari ng sasakyan ay ‘yong Orient Pacific Corp., na kung saan ay board members nga yung binanggit mong mga pangalan,” pagbabahagi ni Tulfo.

Dagdag pa nito, base sa kanyang intel ay tumutugma raw ang mga pangalang nabanggit sa kung sino ang lulan ng sasakyan.

Si William Gatchalian ay ang ama ni Sen. Sherwin Gatchalian, habang si Kenneth Gatchalian naman ay ang kapatid nito at presidente ng Orient Pacific Corp.

Wala pa namang inilalabas na official statemebt ang kampo ni Sen. Win Gatchalian tungkol sa isyu.

Nauna na rin niyang itinanggi moon ma wala siyang pagmamay-aring puting sasakyan gaya ng viral SUV na usap-usapan ngayon.

Read more...