USAP-USAPAN ngayon ang pagkaka-blur ng mukha ng actor-comedian na si Dennis Padilla sa pelikulang “Luck At First Sight”.
Siya ay gumaganap bilang ama ng isa sa mga bidang si Bela Padilla.
Ito ay napansin ng isa sa mga movie critic sa Facebook na si “Goldwin Reviews” sa eksena ng mga ito habang nasa ospital kung saan na-admit ang karakter ni Dennis.
“Naka-upload sa YouTube channel ng Viva Films ang movie na ‘Luck At First Sight.’ Tapos kapag pumunta kayo sa 54:00 onwards, makikita niyo na naka-blur si Dennis Padilla,” saad sa post nu Goldwin.
Dagdag pa niya, maging sa website
ng Reddit ay usap-usapan na rin ang pagkaka-blur ng mukha ng aktor.
Baka Bet Mo: Dennis Padilla muling nakasama ang mga anak after 4 years
“Usap-usapan na ito sa YouTube atsaka sa Reddit. Bakit daw naka-blur yung mukha ni Dennis Padilla sa palabas na’to? Ang nakapagtataka, hindi consistent yung pag-blur sa mukha niya. May ibang anggulo na wala siyang blur at kitang kita pa rin ang mukha niya,” pagpapatuloy pa niya.
Naging topic rin nina Ogie Diaz at ng kanyang mga co-hosts ang pagkaka-blur ng mukha ng komedyante.
Aniya, tinawagan niya si Dennis para kunin ang pahayag nito tungkol sa isyu.
Amin sa kanya ng kaibigan, maging ito ay nagulat sa natuklasan.
Kay Ogie lang rin daw nalaman ni Dennis ang pangyayari at wala siyang idea kung bakit.
Tinawagan rin daw ng komedyante si Neil Arce, ang co-producer ng naturang pelikula at sinabing wala rin itong ideya at nasa VIVA na raw ang rights nito.
Samantala, wala pa namang pahayag ang VIVA hinggil sa isyu.