Ate Gurl siningil ng ka-date sa P7k bill dinner nang tumanggi sa kiss

Ate Gurl siningil ng ka-date sa P7k bill dinner nang tumanggi sa kiss

SA halip na makakuha ng simpatya, bugbog-sarado pa ang isang babae sa mga netizens matapos ibahagi ang naging karanasan niya sa pakikipag-date.

Viral ngayon sa Facebook ang nakakalokang experience ng netizen na nagngangalang Keshaxxx, kung saan inilahad nga niya ang kinahinatnan ng date nila ng kanyang manliligaw.

Base sa nabasa naming post sa “TCU Secret Files” FB page, niyaya raw siya ng kanyang suitor sa isang date pero ang ending bigla raw siyang sinigil ng guy sa kinain nila.

“Not here to rant or to sumbat. Gusto ko lang po malaman kung normal lang po ba yung ganto?” simulang pagsusumbong ni Ate Gurl.

Baka Bet Mo: Babaeng netizen nagdyowa ng gwapo pero inutil: Nakakapagod!

Patuloy pa niya, “Sabi niya kasi sa kin eh libre naman daw nya po ako. Manliligaw ko po sya and di ako yung nagyaya. Sya din nag decide kung saan kami kakain pero parang naparami nga ata yung mga inorder ko.

“First time makakain ng medium rare na steak kaya inabuso ko na. Di ko akalain aabot ng ganyan yung bill.

“Dapat ko po ba syang hatian sa bills? Or ighost ko na lang? Di ko lang to napagbigyan sa kiss nung hinatid ako biglang nag iba ihip ng hangin e,” sabi pa ni Keshaxxx.

Ipinost pa niya ang screenshot ng kanilang convo kung saan sinisingil nga siya ng kanyang manliligaw dahil umabot nga sa tumataginting na P7,000 ang kanilang bill.

Kasunod nito, sandamakmak na comments ang nagetsing ng naturang post at karamihan ay puro pamba-bash kay Ate Gurl. Tinawag pa siyang “PG” o “patay-gutom” ng ilang haters.

Sumagot naman si Keshaxxx sa mga natanggap na hate comments, “I’m gonna be honest, that wasn’t the reactions/comments that I was expecting. Nagtatanong lang naman ako kung normal yung ganon since sa ganoong environment ako lumaki.

“Sa mga nagsasabing PG or mapagsamantala ako, kung natikman nyo kung gaano kasarap yung kinain namin baka mas malaki pa yung bill nyo kaysa sakin.

“Pareho lang kaming may mali right? Siya nagdala sakin dun and nagpumilit magyaya ng dinner sakin para magpasikat.

“I can safely say na mayaman sya, tingin ko nabadtrip lang talaga siya kasi di ko napagbigyan sa kiss sa pisnge na hinihingi nya,” litanya ni Keshaxxx.

Pakiusap pa niya, “So please, konting bawas naman po sana sa harsh comment, nagconfess po ako dito sa page para lang makakuha ng 2nd opinion or insights sa ibang tao.

“P.S: If you will date me, you’ll be also dating my furbaby. Inggit lang kayo kasi sya nakakain na ng steak,” sey pa niya.

Ibinahagi rin niya ang screenshot ng mga mensaheng ipinadala niya sa kanyang manliligaw kung saan sinisisi niya ito  kung bakit siya binabatikos sa socmed.

Aniya, kung hindi raw siya inimbita ng guy ng date at lumafang sa steakhouse at sinabihang ililibre siya ay wala raw sana siyang problema ngayon at hindi nakararanas ng grabeng pamba-bash.

Narito naman ang reaksyon ng ilang netizens sa nangyari kay Ate Gurl.

“Basic etiquette, pag nilibre piliin lagi ang pinakamura.”

“Jusko. Steak normal steak lang un. Kumain din nman ako ng ibat ibang steak may dry age pa pero hindi nman ako ganyan.”

“Regardless kung masarap man o hindi ang kinain mo, have some decency and manners naman kahit papano. It only reflects kung anong klaseng bearing at orientation ang naituro satin ng parents natin at home. Huwag natin ijajustisfy ang status ng isang tao and use the opportunity to indulge yourself. For short, konting kahihiyan naman.”

“Fur parent din ako pero never ko ipag take out alaga ko in the expense of others.”

“Wag mo lahatin girl ikaw yan, iba kami Nakapagbasa kami ng table manners and dating etiquette”

“Kung natikman nyo kung gaano kasarap yung kinain namin baka mas malaki pa yung bill nyo kaysa sakin.’ – Girl marunong kaming mahiya hahahahaha.”

“I wonder where the guy brought this girl. If it’s like one of the bistro restaurants then I can say 7k+ is too much for two. Kasi pag nagde date kami ng BF ko, around 4k lang ang bill namin. Partida 11oz sirloin steak ung order ng bf ko, plus ung meal and dessert ko. Ibig sabihin, too much talaga ung order ng girl kahit na sabihin na libre ni guy. Ginawang last supper ang date, be considerate sa magbabayad girl.”

Read more...