Ellen ibinunyag na ang pangalan ng baby girl, ipinasilip ang mukha

Ellen ibinunyag na ang pangalan ng baby girl, ipinasilip ang mukha

Liana; Ellen Adarna and Derek Ramsay

LIANA ang pangalan ng baby girl ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ang nagbunyag niyan ay mismong si Ellen na ibinandera pa sa kanyang Instagram Stories, habang ipinapakita ang ilang holiday greeting cards at ribbons ng kanyang pamilya.

Makikita na naka-print ang mga pangalang “Derek, Ellen, Elias & Liana.”

Baka Bet Mo: Ellen sa kanyang pagbubuntis: ‘Hindi ko naman tinatago…I just didn’t announce’

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

Kasunod niyan ang IG Stories na ipinasilip na ng aktres ang mukha ng kanyang anak.

May isang post na ipinapakitang nakahiga sa crib si Liana, at ang isa ay ‘yung hinalikan siya sa pisngi ni Ellen.

May selfie mirror din si Ellen na kahit bagong panganak ay super sexy pa rin.

Ang caption pa niya riyan, “[Two] weeks [postpartum].”

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

Magugunita noong nakaraang buwan lamang nang gulatin ni Derek ang madlang pipol na nanganak na pala ang kanyang misis sa first baby nila.

Dahil sa nangyari, may mga nagsasabing sinadya ito ng mag-asawa upang sorpresahin ang marami.

Ngunit ito ay agad na nilinaw ni Ellen: “Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago.”

“When I go out, crop top ako kahit malaki tiyan. I just didn’t announce because I don’t need to,” paliwanag ng misis ni Derek.

Wika pa niya, “I want a quiet and peaceful pregnancy.”

“Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” aniya pa.

Samantala, taong 2021 nang maganap ang intimate wedding ng couple sa Bataan.

Ang panganay ni Ellen na si Elias ay anak niya sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Read more...