Kathryn ibinuking si Alden: Gusto nang magka-baby ni Tisoy!

Kathryn ibinuking si Alden: Gusto nang magka-baby ni Tisoy!

FEELING ni Kathryn Bernardo, sa pagitan daw nila ni Alden Richards, baka raw ang Asia’s Multimedia Star ang mauunang magpakasal at mag-asawa.

Katwiran ng Kapamilya superstar, mas matanda raw kasi sa kanya si Alden at gusto na rin daw ng kanyang leading man sa pelikulang “Hello, Love, Again” na magkaroon na ng baby.

Sumabak ang tambalang KathDen sa “who is most likely” challenge kung saan isa nga sa mga tanong ay, “who’s going to get married first?”

Inamin ni Kath na hindi pa siya ready na magkaroon ng sariling pamilya kaya ang sagot niya ay, “Ayoko pa, Tisoy (tawag ng aktres kay Alden.”

Baka Bet Mo: Kathryn handang-handa nang umibig, magkadyowa uli: Yes, kahapon pa!

 

“Feeling ko si Tisoy, kasi 33 na tapos gusto na magka-baby ni Tisoy. Go mo na ‘yan,” ang panunukso ni Kathryn kay Alden.

Sagot naman sa kanya ng Kapuso star, “Go na natin, sige ako na lang.”

Matatandaang sinabi ni Kathryn sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na ang  ideal age niya sa pagpapakasal ay 34 pero handa na siya ngayong magmahal uli halos isang taon makalipas ang brrakup nila ni Daniel Padilla.

Pero ang paniwala naman ng kanilang fans, may relasyon na raw ang dalawa at ayaw lang ibandera sa publiko para iwas tsismis at intriga.

Ang sabi naman ng ilang malalapit sa KathDen, tuloy pa rin daw ang panliligaw ni Alden kay Kath hanggang ngayon.

Sa isang interview kay Alden sinabi nitong mas gusto niya munang gawing private kung anuman ang relationship nila ni Kathryn.

“What me and Kathryn have right now is, I should say, really deep, and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong na-discover sa kanya or similarities and differences on how we view life,” sabi ni Alden.

Showing na ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan nationwide simula sa November 13.

Read more...