Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko

Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko

INAMIN ng actress-dancer na si Dasuri Choi na nu’ng unang matsismis na siya raw ang third party sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay talagang natuwa siya.

Iyun daw ang first reaction niya nang bumalandra sa mga diyaryo at online entertainment sites na siya ang dahilan kung bakit nawasak ang relasyon ng former Kapuso couple.

Sa guesting ni Dasuri sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, kasama ang kanyang BFF na si Valeen Montenegro, nahilingan siyang magsayaw on national TV para Dasuri para kay Mavy.

Pagkatapos humataw ng dalaga, natanong siya ni Tito Boy kung bakit siya nadamay sa MavLine breakup at totoo bang siya ang dahilan ng hiwalayan.

Baka Bet Mo: Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party sa Mavy-Kyline breakup

“Alam n’yo po ba, ang reaksyon ko noong una natutuwa ako dahil, ‘Hala! Pumasok pa ako! Ibig sabihin available pa ako. I mean, parang ang ganda-ganda ko? Bagets pa ‘yung ano!’

“Guys, thank you so much!” ang natatawang tugon ni Dasuri Choi.

Matatandaang noong February, mariin nang pinabulaanan ng South Korean social media personality na never siyang naging third party at hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya na “ahas”, “homewrecker” at “other woman.”

“I think they’re talking about the issue from late last year. So, I’m officially saying I’m not the third party, okay?

“I will never try to be a third party in my life because I didn’t grow up like that. I was raised by my parents na super, super, super bait. Wala talagang mangyayari sa ‘kin na maging third party, okay?” aniya pa.

Sa ngayon ay single na single pa rin si Mavy habang si Kyline ay super happy na sa piling ng bago niyang boyfriend na si Kobe Paras.

Sa isang panayam, nabanggit ni Mavy na naka-move on na siya kay Kyline at sa katunayan ay masaya siya para sa dating girlfriend at kay Kobe.

“The person’s happy. I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful. What’s done is done also and lahat naman masaya,” ani Mavy.

Read more...