PINATULAN ng controversial content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “retokada“.
Sinupalpal ng dyowa ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang naturang bodyshamer na nagkomentomg tama raw ang hinala niyang sumailalim siya sa nose enhancement.
Nag-post kasi si Chloe ng mga litrato niya sa Instagram na kuha sa pagbabakasyon niya sa Tokyo, Japan nitong nagdaang long weekend.
Ang tanging nakalagay sa caption ng kanyang IG post ay, “As a 光 (hikari).” Parang nakapangtulog na si Chloe sa ibinahagi niyang mga litrato.
Baka Bet Mo: Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l…the only word you can understand
In fairness, marami ang pumuri sa girlfriend ni Carlos at nagsabing ang pretty-pretty niya sa kanyang photos, kabilang na riyan ang ilang celebrities.
Pero may ilan pa ring nambasag kay Chloe tulad na lang ng isang netizen na nagsabing nagpagawa siya ng ilong base sa nakita niyang litrato ng dalaga.
“Sabi n eh..ngpagawa n s ilong hahaha. retake (retoke) pa more hahaha,” ang pang-ookray ng naturang IG user.
Hindi naman ito pinalampas ni Chloe at talagang sinagot niya ang bodyshamer, “Ano po yung retake (ang naisulat nga ng basher sa kanyang comment sa halip na retoke)?”
“Fyi and i’ve said this so many times, i’ve never had any surgery done to my face/body,” ang mariing pagdedenay ni Chloe sa tirada ng netizen.
Pero marami pa rin ang hindi naniniwala sa kanya tulad na lang ng ilang comments na ito na nabasa namin sa social media.
“I have no issues with getting cosmetic procedures done. But am I the only one who thinks her nose was actually cuter before???”
“She 100% has had a bbl. she did have a nice sized butt before but I stalked her pictures one time and out of nowhere she has a Kylie Jenner butt.”
“Looks like she has an invisible nose plug. How does she breath out of those tiny nose holes?”
“Ikr she initially got the nose job to fix a breathing issue she had from a car crash, but this looks like the kind of thing that plastic surgeons have to fix because the nostrils can cause more problems.”
“Anybody else think of Michael Jackson when you look at her nose?”