NAGING bukas ang TV host-actress na si Iya Villania hinggil sa kanyang ika-limang pagbubuntis sa anak nila ni Drew Arellano.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, November 4, natanong siya ni Tito Boy tungkol sa kanyang pagbubuntis.
“Kung magkakaroon ng headline sa 24 Oras bukas tungkol kay Iya Villania, what would that be?” tanong ni Tito Boy.
Baka Bet Mo: Anak nina Iya at Drew na-feel na girl ang next baby sister, tinawag na Amethyst
“Iya Villania, pagod nang umire! Hahahaha! Pagod nang umire… ‘yon na siya!
“So let’s end it with five okay? Lord, please tapos na,” pabirong sagot ng celebrity mom.
Matatandaang nitong Sabado, November 2, proud na ibinandera nina Iya at Drew kasama ang kanilang mga anak kung ano ang gender ng paparating nilang anak.
Sa pamamagitan ng isang Instagram reel ay ipinakita ng “24 Oras” showbiz presenter na babae ang magiging bunso nila ni Drew.
Bago pa man ang kanilang gender reveal, inamin na nina Iya at Drew na tanggap nila kung anuman ang maging kasarian ng kanilang baby basta ito ay healthy.
Taong 2014 nang ikasal ang celebrity couple.
Sa ngayon ay may apat nang anak sina Iya at Drew na sina sina Primo (2016), Leon (2018), Alana (2020), at Astro (2022).