Cryptic post ni Priscilla sa pakikipagrelasyon, pang-asar kay John?

Cryptic post ni Priscilla sa pakikipagrelasyon, pang-asar kay John?

PAK na pak ang ibinahaging cryptic post ni Priscilla Meirelles sa social media sa gitna ng pinag-uusapang video ni John Estrada na may kasamang babaeng foreigner.

Usap-usapan ngayon ng mga Marites ang Instagram Story ni Priscilla na may konek sa isyu ng pakikipagrelasyon dahil ang feeling nila ay para ito sa estranged husband niyang si John.

Ang mababasa sa IG post ni Priscilla, “When someone makes you an option, make them a memory.”

Mababasa sa mga reaksyon ng mga netizens ang komento nila na para raw sa viral video ni John na may kasamang mystery girl na kuha sa isang bar ang hugot ni Priscilla.

Base sa kumalat na video, makikita si John na nakaakbay sa babaeng foreigner habang palabas ng bar. Sa ending ng video, makikitang magkasama ang dalawa habang tila may binabasa sa cellphone.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles nagsisi nga ba na maagang nag-asawa, nagkapamilya?

Sa ulat ng Pep.ph, sinabi raw ni John na hindi niya kailangang mag-explain tungkol sa viral video, “Honestly, I don’t owe anyone an explanation.

“But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female. Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure,” sabi pa raw ni John.

Sa isa pang IG post ni Priscilla mababasa ang caption na, “I’m going to the grocery store and will be right back! #birthdaydinnerOOTD.”

Nag-comment ang isa niyang follower ng, “Iba talaga pag nka laya na sa stress keep it up.” Tanging laughing emojis lang ang reply dito ni Priscilla.

Sey pa ng isang IG user, “I admire you. the greatest revenge in life is to love your self, loving yourself first before anyone. good things will follow opportunity will come…enjoy life you are such an inspiration.”

“Amen!” ang sagot dito ni Priscilla.

“Same pa din po sila bahay and d pa hiwalay,” ang sey ng isa pang netizen. Na sinagot ni Priscilla ng, “The problem with making assumptions.”

Read more...