KUNG nadiskubre mong may kabit o other woman ang asawa ng iyong BFF, isusumbong mo ba siya o dedmadela (dedma) ka lang?
Kung ang TV host-actress na si Mariel Padilla ang tatanungin, oo at hindi ang kanyang sagot. May paliwanag siya kung bakit ito ang kanyang naging tugon.
Ayon sa wifey ni Sen. Robin Padilla, depende sa sitwasyon o case to case basis pa rin kung sasabihin niya sa kaibigan ang pagtataksil o pagtsi-cheat ng partner nito.
Para kay Mariel, ang pinakamahalaga raw sa sitwasyong ganito ay ang resibo o ebidensiya para hindi lumabas na nagma-Marites ka lang.
Baka Bet Mo: Bea, Heart naging instant BFF: ‘We just clicked, I love spending time with her’
Sa guesting ng TV host sa “Fast Talk with Boy Abunda” recently, natanong nga si Mariel kung magsusumbong siya sa kaibigan sakaling makita niya ang partner nito na may ibang kinakalantari.
“There are many circumstances, ‘di ba? Case to case basis ‘yan e. Una, nakita mo sila sa restaurant kunwari. Kung nakita mo sila, Tito Boy, na naghahalikan, ako, I’ll take a picture, and maybe I might tell my friend,” paliwanag ni Mariel.
Pero paglilinaw niya, “But I need to have proof that there’s an actual affair. I cannot be na sinira ko lang ‘yung mind nila, I just tainted their marriage but I have no proof.”
Dagdag pa ng asawa ni Sen. Robin, bukod sa ebidenisya isasaalang-alang din niya kung kung may mga anak na kanyang kaibigan sa partner o asawa nito.
Pero sey ni Mariel, kung siya ang tatanungin mas gusto niyang malaman kung niloloko siya ng kanyang asawa, “Of course, I would like to know. Of course, I would want you to tell me.
“I would expect my friends to tell me but you cannot tell me na wala kang proof. I need that proof and I feel that my friend deserves proof also.
Hindi pwede na ganu’n lang,” sey pa ni Mariel.