Dominique Cojuangco nakiusap, ‘wag kunan ng larawan ang anak

Dominique Cojuangco nakiusap, 'wag kunan ng larawan ang anak

NAKIUSAP si Dominique Cojuangco sa madlang pipol na sana ay huwag kunan ng larawan ang kanyang anak na si Penelope Eloise sakaling makita sila in public.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story noong Huwebes, October 31, pinakiusapan niya ang followers para sa privacy ng anak.

“If you see me out with my child, please don’t take a photo. Her privacy is so important to me,” saad ni Dominique.

Bago pa man ito ay makikitang ibinabandera ng kilalang personalidad ang mga larawan ng anak ngunit hindi nito ipinapakita ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Dominique nanganak na sa panganay nila ni Michael Hearn, Gretchen lola na

Hindi naman na idinetalye pa ni Dominique kung ano ang dahilan ng kanyang pakiusap.

Wala rin siyang nabanggit kung may nauna na bang gumawa ng panakaw na pagkuha ng larawan sa kanilang anak.

Para sa mga hindi aware, si Dominique ang unica hija ng aktres na si Gretchen Barretto at ng kilalang businessman na si Tonyboy Cojuangco.

Ikinasal si Dominique sa isang businessman na si Michael Hearn noong March 2023 at ginanap ito sa San Agustin church sa Maynila.

Samantala November 2023 naman nang ibinandera ni Dominique ang pagbubuntis sa kanilang panganay.

Ipinanganak naman niya ito noong May 2024 pinangalanang Penelope Eloise.

Read more...