MAY kumakalat na “breakup rumor” sa pagitan ng Hollywood couple na sina Channing Tatum at Zoë Kravitz makalipas ang tatlong taong magkarelasyon.
Ayon sa People Magazine at ilang US media outlets, may mga sources na nagkumpirma na hindi na matutuloy ang kasalan ng dalawa.
Bukod diyan ay spotted din daw si Zoë na hindi na sinusuot ang kanyang engagement ring.
Ayon pa sa mga ulat, nag-umpisang magkalabuan ang couple nang ibinigay ng aktres ang script sa aktor ng recent project nila together.
Magugunitang nagkaroon ng directorial debut si Zoë sa pelikulang “Blink Twice” at ang bumida riyan ay si Channing.
Baka Bet Mo: Channing Tatum nagpasabog ng sexy dance, hot scenes sa ‘Magic Mike’s Last Dance’
Noong nakaraang buwan pa nga ay ibinandera ng aktor ang matamis na mensahe niya para kay Zoë dahil naging matagumpay ang first-ever project nito bilang film director.
“I’m so proud to stand ten toes down for her, this film, and everyone in it. Knowing what it took to make it. No one will ever know,” saad niya sa isang Instagram post.
Ani pa ng aktor, “Thank you for finding me and seeing me. I got you forever. Me and you back to back against it all. I’ll never blink.”
Kung matatandaan, noong August 2021 nang unang kumalat na may namamagitan na sa Hollywood couple matapos silang makita na magkaangkas sa isang BMX bike habang namamasyal sa New York City.
Naging Instagram official naman sila pagdating ng Halloween sa kaparehong taon nang ibandera ng aktor ang picture nila na suot ang kanilang couple costume mula sa 1976 classic film na “Taxi Driver.”
Taong 2022 naman nang sabihin ni Zoë sa isang interview na nais nila ni Channing na maging pribado ang relasyon.
“You want to keep it sacred and private as long as you can. So that you don’t have to even think about what the world thinks about it,” saad ng aktres.
October 2023 nang kumpirmahin ng ilang media outlets na engaged na ang dalawa.
As of this writing, wala pang pahayag ang couple kung totoo ang nasabing “breakup rumors.”