Juancho Triviño bininyagan na: Obey the commandment of Jesus…

Juancho Triviño bininyagan na: Obey the commandment of Jesus...

Juancho Triviño

SA wakas, natupad na ang isa sa matagal nang gustong ma-achieve ng Kapuso actor na si Juancho Triviño sa kanyang “personal and spiritual life.”

Nabinyagan na nga si Juancho nitong nagdaang Linggo, October 27, na nasaksihan ng kanyang pamilya, kabilang na ang asawang si Joyce Pring at anak nilang si Agnes Eleanor.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ibinahagi ni Juancho ang good news kalakip ang isang video kung saan mapapanood ang pagbibinyag sa kanya.

“I haven’t been baptized yet. Kung anu-anong naiisip ko na hindrances but of course, now is the time to obey the commandment of Jesus to be baptized talaga and declare our faith,” ang maririnig na pahayag ng Kapuso star sa ipinost niyang video.

Baka Bet Mo: Maxene ibinuking ang sarili, napapagod din sa laban para ma-gets ang ‘best version of myself’: This is turning me into an anxious perfectionist who is so scared to make mistakes’

Makikita rin sa IG post ni Juancho ang asawa niyang si Joyce na nakaupo sa tabi niya. Sey ng Kapuso TV host, magkahalong excitement at nerbiyos ang kanyang nararamdaman para sa binyag ng asawa.

“Excited, that’s the simplest answer that I can give. I’m very excited, it’s a long time coming and it’s something we’ve attempted to do multiple times, kinda nervous actually,” ani Joyce.


Sa caption naman na isinulat ni Juancho sa kanyang Instagram video, sinabi niya na ang pagpapabinyag ay hindi assurance sa tinatawag na ‘
“salvation.”

“We do this for the public declaration of our IDENTITY in Christ who is the way to our salvation.

“We may be fun and silly on our social media at times, but my family and I, we have a mission for what pleases God in our lifetime,” paalala ng aktor.

Nagsimula ang love story nina Joyce at Juancho nang magkasama sa morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit,” kung saan tinawag silang JuanChoyce.

Una silang ikinasal sa isang private ceremony noong 2019 at muling nagpakasal sa pamamagitan ng Christian garden wedding ceremony taong 2020.

Isinilang ang kanilang panganay na anak na si Alonso Eliam noong 2021 habang taong 2023 naman ipinanganak ang second child nilang si Agnes Eleanor.

Read more...