Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak

Hugot ni Toni Gonzaga: Walang ina na gustong ipahamak ang anak

NANINIWALA ang actress-vlogger na si Toni Gonzaga na walang nanay ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak.

Sa latest episode ng kanyang vlog na uploaded nitong Linggo, October 27, ay naging panauhin niya si Bea Binene kung saan naikuwento nito ang pagiging supportive sa kanya ng kanyang mommy.

Ani Toni, never pa raw niyang narinig sa mga nakakausap na may nanay na gustong mapahamak ang anak.

“Talagang minsan darating sa point akala mo pinakamalaking kontrabida sa buhay mo ‘yong magulang mo.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga ka-look alike, viral na sa TikTok

“Pero wala pa akong narinig na nanay na ang gusto ay mapahamak ang kanilang anak,” saad ni Toni.

Sinang-ayunan naman ito ng dalaga.

Sey ni Bea kay Toni, “May iba-ibang ways lang siguro of showing.”

Dagdag pa ng TV host-actress, maaaring iba iba ang paraan peri ang bottomline ay nais lang ng mga ina na mapabuti ang lagay ng anak.

“Iba-iba ang ways nila pero ang bottom line niyon, kaya sila nagiging mahigpit o kaya parang minsan hindi n’yo naiintindihan ‘yong ways nila, kasi pinoprotektahan lang nila kayo para hindi kayo masaktan,” sey pa ni Toni.

Pinayuhan pa nga ni Bea ang madlang pipol na palaging makinig at sundin ang mga payo at sinasabi ng kanilang mga ina.

Bago pa man ito ay nauna na kasi nilang napag-usapan kung paano nagbigay suporta ang kanyang ina sa kanyang pagsisimula sa showbiz.

“Dati, minsan nahihiya ako. Ako ‘yong pinakamatanda ako ‘yong may kasamang mama. Pero do’n mo mare-realize na laking bagay ng nandyan si Mama,” kwento ni Bea kay Toni.

Sa ngayon ay nasa dalawang dekada na ring ang karera ni Bea sa pagiging artista.

Read more...