ATTACK kung attack na naman ang mga haters ng magdyowang sina Carlos Yulo at Chloe San Jose dahil sa mga bagong sweet photo ng dalawa sa social media.
Talagang ayaw pa rin tantanan ng mga bashers until now ang 2-time Olympic gold medalist ng Pilipinas at ang kanyang controversial girlfriend.
Nakakaloka ang mga banat ng netizens nang bumalandra sa socmed ang mga paandar na litrato nina Carlos at Chloe na kuha sa isang charity gala night recently.
“Red hot night with my red hot date,” ang short caption ni Chloe sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-heart attack: ‘Parang ibibigay mo na lang lahat kay Lord’
May mga nagkomento naman ng magaganda at positibo sa cheesy photo ng magkarelasyon pero mas marami pa rin ang nambasag sa kanila at hinihgan pa ng paliwanag kung bakit hindi man lang sila tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Hindi namin sure kung talagang dedma lang sina Chloe at Carlos sa paghagupit ni Kristine sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kung saan libu-libong kababayan natin ang naapektuhan.
Baka naman kasi tahimik lamang na tumutulong ang magdyowa kaya hindi ito nalalaman ng publiko. Sabi nga sa “Eat Bulaga” — bawal judgmental!
Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng ating mga ka-Marites sa latest photos nina Carlos at Chloe na in-upload sa official Facebook page ng BANDERA.
“Binabaha sila ng publicity baka nmn gusto nyo tumulong sa mga nasalantaa ng bagyo. kababayaan nyo rin sila.”
“Daming d mka move on.. sobra affected ang mga life nila… problema nila d nila makita sa own territory nila…. ayaw nilang makakita ng masaya.”
“Dami nabahaan bka gusto nila bawasan Ari arian napanalunan nila.”
“Salamat dok..infairness ganda pagkagawa sa ilong bagay sa kanya.”
“Hahaha mga tao naha highblood na naman.. tumahimik lang sila saglit ng dumating si typhoon kristine.. ngayon balik socmedia ulit.”
“Lovebirds pa yan kasi may pera pa. Tignan mo pag naubosan, diba Love hurts ang kalalabasan niyan.”
“Paki nmin sa inyo matutuwa p kami sa inyo kng Marunong kau tumulong sa kapwa nyo.”
“C Caloy daming napanalunang pera bahay etc champion talaga pero c Chloe mas champion cya nanalo ng tao may pera at kung ano ano pa kaya kung c Caloy 2 gold medalist c Chloe ay 4 medalist may lover boy may pera may bahay may kotse at marami pang iba pero wag kayong umasa kc magulang nga d yata na bigyan mga nasalanta pa ng bagyo ang mabibigyan ay sorry nman. pero thank you kung nagbigay.”
“Ni wala pa itong nai donate sa mga nasalanta na mamamayan Pilipino share your blessings mo naman hindi puro dyan sa nobya mo share ka rin sa magulang mo gumaya ka kay Manny Pacquio madaming matutuwa sa iyo.”
“Nagkagulo na naman ang mga mababait at walang bahid dungis.”
“Kahit ano gawin talagang hindi sila swak sa banga!”
“Di uunlad ang buhay mo boy, sa pagtakwil mo sa magulang mo at pamilya mo. Bagbagsak ka rin at iyan ang masakit na mangyayari sa buhay mo.”
“Dpat lng unahin nya pamilya nya dahil inuna din sya ng nanay nya..inuna syang itinakwil at isinumpa..inuna din syang ipahiya sa buong mundo kya dpat suklian nya din yon..unahin nya din mona nanay nya at pamilya nya.”