Miss Grand Myanmar bad trip nga ba kina Miss India at Miss Philippines?

Miss Grand Myanmar bad trip nga ba kina Miss India at Miss Philippines?

Rachel Gupta, Christine Juliana Opiaza at Thae Su Nyein

INIINTRIGA ngayon ng ilang netizens na galit daw at bad trip si Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein sa mga nakalaban niya sa international pageant na sina Rachel Gupta at Christine Juliana Opiaza.

Si Rachel ang nanalong Miss Grand International 2024 mula sa India habang first runner-up naman ang bet ng Pilipinas na si CJ.

Si Thae Su Nyein naman ng Myanmar ang nagwaging second runner-up  pero ibinalik nga niya ang napanalunang titulo at korona sa Miss Grand International Organization dahil dinaya raw siya sa National Costume at Country Power of the Year awards.

Na-hurt si Nyein matapos ibigay kay Miss Grand Thailand Malin Chara-anan ang Country Power of the Year kahit na siya raw ang tumanggap ng pinakamataas na fan votes.

Baka Bet Mo: Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar

Kitang-kita naman daw ito sa lahat ng social media platform ng MGI Organization, ayon sa live social media broadcast ni Nyein.

Bukod dito, siya rin daslw ang nakagetsing ng highest fan votes sa National Costume category ng Miss Grand International 2024, pero nganga rin daw siya rito.


Naiyak daw talaga siya habang nasa Miss Grand International 2024 stage dahil naaawa siya sa mga kababayang isinisigaw ang pangalan niya habang hawak ang bandera ng Myanmar.

Samamtala, mariing dinenay ni Nyein ang naglabasang chika na itinapon daw ni Miss Grand Myanmar National Director Htoo Ant Lwin ang kanyang korona at sash bilang second runner-up sa pageant.

Inabot daw ni Lwin sa isang staff ang korona at sash niya, “I am not controlled by anyone. I just make my own decision.

“I give back my second runner-up crown just because we didn’t get what we deserve— our National Costume prize, our Country Power of the Year, not the winner crown,” ani Nyein.

Kasunod nito, nilinaw din niya ang tsismis na sumama ang loob niya kay Miss Grand International 2024 winner Rachel Gupta ng India at sa first runner-up na si CJ Opiaza ng Pilipinas.

“I am not going against my sisters. I love India, I love Philippines, they’re my best sisters of all times. I don’t blame them,” mariing sabi ni Nyein.

Read more...