Laureen Uy excited na sa 1st baby nila ng non-showbiz husband: Can’t wait!

Laureen Uy excited na sa 1st baby nila ng non-showbiz husband: Can’t wait!

PHOTO: Instagram/@laureen

TUWANG-TUWA ang content creator na si Laureen Uy dahil magkaka-baby na sila ng non-showbiz husband na si Miggy Cruz.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ni Laureen sa kanyang Instagram account, kalakip ang ilang throwback moments kasama ang mister.

Mapapanood din sa video ang pag-flex ng kanyang baby bump, pati na rin ang ilang picture ng ultrasound kasama si Miggy.

“Can’t wait to be a family of 3,” masayang anunsyo ng content creator.

Baka Bet Mo: Laureen Uy shookt nang biglang mag-propose si Miggy Cruz: ‘Oh, my God! Yes! I love you!’

Sa hiwalay na post, makikita naman ang ilang litrato na ibinabandera ng mag-asawa ang ultrasound photos ng kanilang soon-to-be panganay.

Ang caption pa riyan ni Laureen, “Happiness.”

Sa comment section, maraming celebrities at kilalang personalidad ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa couple.

Kabilang na riyan ang kanyang kapatid at celebrity stylist na si Liz, pati na rin sina Camille Co, Maja Salvador, Anne Curtis, Ayn Bernos, Raiza Contawi, Bella Racelis, Kaila Estrada, Arshie Larga, Camille Co, Miles Ocampo, Angelica Panganiban, Dianne Medina, Mariel Rodriguez, Gretchen Ho, Chie Filomeno, at marami pang iba.

“Yayyy congrats, ate and kuyaaaaa [smiling face with hearts, white heart, sparkle emoji],” sey ni Miles.

Komento ni Chie, “Soooo happy for my mamshies!! [Holding back tears emoji]”

Magugunita noong Abril lamang nang ikinasal sina Laureen at Miggy sa Coron, Palawan matapos ang halos isang taong engaged.

Pero bago ‘yan, sila ay nagingm agkarelasyon ng pitong taon.

Read more...