MMFF entry ‘Uninvited’ istorya ni Vilma; pagsasabayin politics, showbiz

MMFF entry 'Uninvited' istorya ni Vilma; pagsasabayin politics, showbiz

Vilma Santos, Bryan Diamante, Dan Villegas, Antoinette Jadaone at Irene Villamor

ISA ang pelikulang “Uninvited” sa Final 5 ng finished films para mabuo ang 10 entry na mapapanood sa Disyembe para sa 50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kaya naman labis na natutuwa ang Mentorque President at CEO na si Bryan Diamante bilang producer dahil dream come true niyang mai-produce ng pelikula ang idolo niyang si Ms. Vilma Santos-Recto.

Biro ni Bryan, “Guys the billionaires are having a party, you are not invited let’s gatecrash together.”

Sabay sabing, “Sa mahal ng (bayad) sinehan talaga ngayon parang people should be compelled to both the cinemas parang anong worth ng pera ko?

Baka Bet Mo: Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’

“And I think du’n kami mag-risk mga producers, masaya kami na naibalik ‘yung (tao sa sinehan) siksik, liglig sa Mallari (2023 MMFF) and I’m so happy na nag-accept ulit ang Warner Brothers (dahil) iro-roll over namin dito and I think the Filipino audience deserves something worth their hard earned money.

“So, sa artista pa lang hindi kami nag-atubili at kung mapapansin n’yo po (ay) tatlong malalaking director ng kasalukuyang henerasyon ang nagtrabaho together, Dan Villegas, Antoinette Jadaone (at) Irene Villamor,” ani Bryan.


Binanggit din ng Mentorque producer na una niyang nakatrabaho sina direk Dan at Antoinette sa Cinemalaya entry na “Kono Basho.”

“Sobrang galing I think at masasabi namin na ayaw naming manghinayang ang Pinoy na pumunta sa sinehan at ayun siguro ang risk ng mga producers and if you will see the line-up of the 10 (entries) parang wala naming itulak-kabigin, wala naming nagtipid (artista).

“Mukhang wala naman talagang nagtipid alam po natin kasi talagang hindi na po biro ‘yung presyo ng sinehan,” say pa ni Bryan.

Si Ate Vi ang bida sa “Uninvited” at kakandidato siyang gobernador ng Batangas na inabot ng baha ang ilang bayan dahil sa bagyong Kristine nitong Huwebes hanggang Sabado.

Kaya tinanong si Bryan kung paano ang schedule ng shooting ng “Uninvited” dahil abala rin ang Star for All Seasons ngayon.

“That’s the reason kaya tinapos na namin ang shooting kasi kailangan talaga namin siyang paspasan dahil kung hindi yari rin (at) aabutan and we’re gonnna have a problem.

“Kami naman sa Uninvited we really didn’t expect at kung naalala ninyo ang sinabmit naming script ay Biringan, so, something happened along the way lang and this fall into places and we’re very happy that we have this film.


“At saka itong pelikulang ‘to, istorya niya (ex-Congw. Vilma) ‘to, eh. It’s something that she was looking for eversince, istorya niya ‘to na sinulat lang and screenplay ni Dodo Dayao pero siya ang nag-explain what she wants to happen that’s why this is very special to us and it’s opportunity na kami ang gumawa (Mentorque at Project 8 Projects) sab inga ni Ate Vi ay passion project niya ito, dream project.

“Lalo na nu’ng nag-decide siyang tumakbo and that’s why napabilis din ‘yung paggawa at mas malaki ang nailatag parang timing and I never realize na lahat ng hiniling naming mga artista mabilis um-oo and lahat nag-swak din lahat sa schedules.

“That’s why heaven sent lalo na today that we were picked to be one of the official entries, something is pushing us towards that way, eh,” kuwento ni Bryan.

Ang “Biringan” daw ay nasa pre-production na, “And it takes a lot of time rin to finish the film, so, ito ‘yung mas nauna pang natapos sa Biringan and nagbakasakali kami na ipasok.

“Because nakikita naman namin at the end of the day somehow, I think Filipinos on the 50th edition of MMFF, I think they deserve a film like this something that they haven’t seen for decades.”

Sa nakaraang 2023 Metro Manila Film Festival ay sobrang sipag daw ni Ate Vi mag-promote ng entry nilang “When I Met You in Tokyo”, ngayon daw ba ay kakayanin ba o magbibigay ng sapat na oras dahil kumakandidato siya ngayon.

“I think it’s a balance, I mean time management, I think matagal na rin naming magaling si ate Vi sa time management and with that hindi naman mahihirapan ‘yun ang nakikita ko and first love rin naman niya ang cinema (dahil) diyan siya unang nakilala, I think walang magiging problema,” esplika ni Bryan.

Sa tanong kung anong pelikula ang mas excited si Bryan, sa “Mallari” o sa “Uninvited”?

“It’s a constant pride to do better. Mallari has achieved a lot napakasaya naming until now siyempre masayang-masaya.  But this one Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz lll, Mylene Dizon, Elijah Canlas, sobrang dami ang gagaling.

“Nu’ng napanood ko ‘yung picture locked nu’ng nakaraan sobrang umiiyak ako dahil ibang klase ‘yung ibinigay ng (mga) artista, ibang klase ‘yung ibinigay ng crew with these film,” say ni Bryan.

At dahil kakandidato nga si ate Vi at sakaling manalo sa 2025 ay itong “Uninvited” na ba ang huli niyang pelikula muna?

“I was hoping not, I mean this is her dream project. Nu’ng nakita namin (pag-arte), umiiling na lang kami, Vilma Santos is Vilma Santos, she has a lot to give. She has a gift to everyone, Uninvited,” pahayag ni Bryan.

Anyway, mapapanood ang 10 pelikulang kasama sa 2024 MMFF simula sa December 25 hanggang January 7, 2025.

Read more...