Chito nakauwi na matapos ma-stranded sa Sorsogon: Sa wakas…Thank you, Lord!

Chito nakauwi na matapos ma-stranded sa Sorsogon: Sa wakas…Thank you, Lord!

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr

FINALLY, nakauwi na sa kanyang pamilya ang bandang Parokya ni Edgar makalipas ang ilang araw na stranded sa Sorsogon dahil sa bagyong Kristine.

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Chito Miranda, ang lead vocalist ng banda, ang picture na nakahiga sa kama kasama ang kanyang anak.

Ikinuwento pa ni Chito ang ilang pinagdaanan nila sa biyahe: “After being stranded for days in Sorsogon, after attempting to land thrice in Manila, and being temporarily redirected to Kalibo, and after being stuck sa SLEX (South Luzon Expressway) for more than 4 hrs dahil sa baha, sa wakas, bahay na ko [smiling face, like emojis],” he said.

Magugunitang ibinalita ni Chito ‘nung nakaraang na kinailangang ilihis ang kanilang flight sa Kalibo, Aklan dahil hindi safe kung itutuloy nila ang biyahe pa-Manila.

Baka Bet Mo: Chito sa pamilya: I will do everything in my power to keep them safe!

“Thank You, Lord, for keeping us safe and healthy, and for bringing us back home safely to our families. You Da Best,” dagdag niya sa caption.

Pinasalamatan niya rin ang kanyang pamilya na nag-alaga sa kanila habang nasa Sorsogon, pati na rin ang flight crew, at fans na dumalo ng event sa nasabing probinsya.

Hindi niya ring nalimutang mag-thank you sa mga ka-banda niya dahil naging “adventure” ang mga nangyari sa kanila.

Giit niya, “Sobrang saya ko talaga na nasa bahay na ko kasama ng pamilya ko.”

Sa comment section, maraming fans ang tila nabunutan ng tinik sa dibdib sa latest update ng bokalista.

Narito ang Ilan sa mga nabasa namin:

“Great to hear nakauwi na rin kayo ng safe bro lods [folded hands emoji]”

“Finally home na si Coach Chito [red heart emoji] makakapahinga ka na po nang mabuti kasama pamilya.”

“Buti po idol nakauwi ka na [folded hands, red heart emojis].”

“Finally you’re home!”

Read more...