CJ Opiaza waging 1st runner-up sa Miss Grand International 2024

CJ Opiaza waging 1st runner-up sa Miss Grand International 2024
WAGI ang pambato ng Pilipinas na si CJ Opiaza bilang 1st runner-up sa ginanap na Miss Grand International coronation night nitong Biyernes, October 25.

Ang naturang coronation night ay ginanap sa MGI Hall, Bravo BKK Mall sa Bangkok, Thailand.

Si CJ ay ang representative ng Pilipinas na nagmula sa Castillejos, Zambales at ang itinanghal na 2024 Miss Grand Philippines noong Setyembre.

Samantala, kinoronahan naman bilang Miss Grand International 2024 ang pambato ng India na si Rachel Gupta na siyang tumalo sa 68 na iba pang contestants.

Baka Bet Mo: CJ Opiaza ng Castillejos, Zambales itinanghal na Miss Grand PH 2024

Mismong si Luciana Fuster mula sa Peru na nagwaging Miss Grand International 2023 ang naglagay ng kanyang korona.

Wagi rin ang pambato ng Myannar na si Thae Su Nyein bilang 2nd runner-up, habang si Safiétou Kabengele naman ay 3rd runner-up ay ang representative naman ng Brazil na si Talita Hartmann ang nanalo bilang 4th runner-up.

Sinundan naman ni CJ ang yapak nina Nicole Cordoves (2016) at Samantha Bernardo (2021) bilang 1st runner-up sa international pageant. Ito ang pinakamataas na placement na nakamit ng Pilipinas sa naturang beauty pageant.

We are so proud of you, CJ! Salamat sa pagwagayway at pagbandera sa Pilipinas!

Read more...