TINAKBO sa ospital ang actress-vlogger na si Ivana Alawi, ayon sa kanyang latest Instagram Story.
Hindi idinetalye ni Ivana kung ano ang nangyari, pero ibinandera niya ang kanyang POV (point of view) na nakahiga sa hospital bed at may nakasaksak na dextrose sa kanyang kamay.
“Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well [sad emoji],” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza ‘nagulat’, nagpasalamat kay Ivana Alawi matapos sabihang ‘nicest GMA artist’
Magugunitang two days ago lamang nang ibinalita ni Ivana na na-discharge siya sa ospital matapos ang ilang araw na pagka-confine.
Wala rin siyang sinabi kung bakit siya naospital, pero nabanggit lang niya na excited na siyang magtrabaho ulit.
“Finally! Done with the hospital. Can’t wait to go back to work!” wika niya sa nakaraang IG Story.
Samantala, naging usap-usapan recently ang naging opinyon at hugot ni Ivana kaugnay sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sinabi ng aktres na marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi siya tatakbo sa darating na halalan.
Paliwanag niya, wala siyang sapat na kaalaman upang tumakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno.
Bukod diyan, naniniwala rin siya na isang “calling” ang pagiging public servant.
Nabanggit din ng vlogger na kahit wala siya sa politics ay pwede siyang makatulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
“Kahit wala kang position, wala kang upuan, kaya mo makatulong. Hindi mo kailangan maging congressman or mayor or councilor para makatulong ka,” sambit niya.
Giit pa ni Ivana, “We can all help out in our own small ways. Pag papasok ka sa politics at ipaglalaban mo ang Pilipinas, dapat may utak ka.”
Bandang huli, nagbitiw ng disclaimer ang aktres na wala siyang pinatatamaan o pinariringgan sa kanyang mga naging pahayag, lalo pa’t napakarami ngang artista at social media personalities ang tatakbo next year.