Vice Ganda kina MC at Lassy: I’m very proud to be your best friend!

Vice Ganda kina MC at Lassy: I'm very proud to be your best friend!

MC Muah, Lassy Marquez at Vice Ganda

IBINANDERA ni Vice Ganda ang kanyang pagiging proud “nanay-nanayan” sa dalawa niyang kaibigan at mga co-host sa “It’s Showtime” na sina Lassy Marquez at MC Muah.

Tumanggap ng mga papuri ang ginawang buwis-buhay performance ng team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC at Lassy para sa “Magpasikat 2024” ng “It’s Showtime.”

Nitong nagdaang Martes (October 22), sumentro ang performance ng nasabing grupo tungkol sa kahalagahan ng pagpapahinga at tamang pag-aalaga sa sarili.

After ng kanilang performance, nagsalita ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ay ipinagsigawan sa buong mundo kung gaano siya ka-proud kina MC at Lassy na matagal na niyang mga kaibigan.

Nasaksihan daw ng madlang pipol kung gaano kinarir at pinaghirapan ng dalawang stand-up comedian ang kanilang madamdaming performance, lalo na ang buwis-buhay nilang paglambitin sa isang malaking cube prop.

Baka Bet Mo: Vice hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n’yo lang alam…

Komento ni Vice, “Ako, personally, I’m very proud of the both of you. Alam ko ang nangyayari sa mga buhay nila.

“Kaming tatlo, alam namin ang nangyayari sa buhay ng isa’t isa at alam ko kung gaano kaganda ‘tong dalawang taong ‘to at napakarami nilang na-achieve sa buhay,” pahayag pa ni TV host-comedian.

Dagdag pang sey ni Vice, “At hindi rin nila kaya ‘yon, MC at Lassy. Kung alam lang nila ang mga pinagdaanan pero pinagtagumpayan ninyo.


“Kahit sila sasabihin, ‘Ay, di namin kaya ‘yan.’ And I’m very proud of you. I am very proud to be your best friend,” ang emosyonal pang chika ni Vice.

Sa naging performance naman ni Vice sa “Magpasikat 2024” ay inalala niya ang eksenang umiyak siya sa isang episode ng “Mini Miss U” segment ng programa noong August, 2023 kung saan naapektuhan siya nang todo sa tula ng batang contestant na si Eury.

Dito bumigay si Vice at talagang napaiyak, “Sabay-sabay yung suntok, yung tadyak. Parang pinagtulungan ako. Parang pinatulung-tulungan talaga ako. Bugbog na bugbog ako nu’ng oras na iyan.”

Isa na nga riyan ay ang kinaharap niyang isyu noong August, 2023 nang patawan ng parusa ng  Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos ireklamo ng mga manonood sa pagkain nila ng cake ng asawa niyang si Ion Perez sa “It’s Showtime.”

“Kaya pagod na pagod ako kasi lumalaban ako para sa sarili ko, para kay Ion, para sa Showtime kasi may mga taong naghahangad ng masama sa programang ito e,” aniya na sumayaw gamit ang kantang “Rise” ni Katy Perry.

Napakalaking tulong daw ng ipinaramdam sa kanyang pagmamahal ng kanyang mga co-hosts at ng studio audience upang huwag magpatalo sa  kanegahan.

“Naramdaman ko na may kasama ako. Yung hope, binubulungan ako na don’t panic, we will be okay,” sey pa ni Vice na nakasuot ng maikling red dress na may mga kalmot at sugat sa braso at hita.

Read more...