LAUGH kami nang laugh sa pambubuking ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa naging chikahan nila ng anak na si Bimby about the late former President Noynoy Aquino.
Nag-punchline raw kasi kay Kris ang bunsong anak nang sabihin niya rito ang findings ng mga doktor hinggil sa kanyang health condition.
Sumailalim kasi ang award-winning TV host-actress sa iba’t ibang medical test para malaman kung meron ba siyang cancer siya o wala.
May pangamba kasi si Kris sa usaping Big C lalo’t namatay nga sa colon cancer ang kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.
Nabanggit ng TV host na medyo nahirapan siyang i-explain kay Bimby ang mga posibilidad sakaling magkaroon nga siya ng cancer.
Baka Bet Mo: Sharon kay Luis: ‘Nangingilabot ako sa kapal ng mukha mo…bastos ka!’
Hirit daw ng bunso niyang anak na talagang ikinaloka niya, mukhang hindi pa raw ready ang kanyang Tito Noy na mag-reunion sila ni Kris sa langit.
“He said ‘Mama until they do the biopsy let’s trust God that you’re cancer free. Lola will make sure you’ll get through this and if ever, mama it’s early detection,” ang bahagi ng pahayag ni Kris sa kanyang mahabang Instagram post kamakailan.
Sey pa ni Kristeta, “He even jokes: i don’t think tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he’s enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop?'”
Pumanaw ang kapatid ni Kris at dating Pangulo ng Pilipinas na si P-Noy dahil sa renal disease, pangalawa sa diabetes, noong June 24, 2021.
Sa unang bahagi ng kanyang IG post ay naikuwento nga ni Kris na sumailalim siya sa napakaraming medical test kabilang na ang PET (Positron emission tomography) scan.
“Clear intestines. No visible sign of cancer,” aniya.
Ngunit ang ikinakatakot ni Kris ay ang tatlong autoimmune condition niya na “life-threatening” – ang Churg Strauss na ang tawag ngayon ay EGPA, Systemic Sclerosis or SCLERODERMA at ang LUPUS o Systemic Lupus Erythematosus (SLE).
“I now have 5, possibly 6 autoimmune conditions. But the scary part is that 3 of the diagnosed ones are life threatening in other words- pwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically my artery connecting my lungs to my heart- to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest.
“I am now suffering from a Lupus Arthritis flare. Deep bone pain. Hirap ako to walk without assistance. I’ll start my physical rehabilitation therapy in a few days. But I need to do so with a walker.
“My immunity is zero. Ang ubo for me can easily be pneumonia and ICU confinement. Strict rule, no direct even indirect sun exposure or my lupus flares will be triggered as well as my Scleroderma,” pagbabahagi ni Kris.
Pero ipinangako ng aktres na hindi siya susuko sa kanyang laban.