KASAMA ang grupong Parokya ni Edgar sa napakaraming kababayan nating nabiktima ng bagyong Kristine matapos ma-stranded sa Sorsogon.
Hindi nakauwi sa Manila ang bokalista ng naturang grupo pati na ang kanyang mga kabanda matapos hagupitin ni Kristine ang iba’t ibang bahagi ng Bicol region.
Sa kanyang Facebook account, ibinalita ni Chito na hindi pa sila makakabalik ng Maynila dahil kanselado raw ang lahat ng flights.
“Stranded kami sa Sorsogon. Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip,” sabi ni Chito sa caption.
Baka Bet Mo: Trulili ba, Sylvia Sanchez, Zanjoe Marudo pinipilit tumakbo sa 2025?
Kaya naman napagkatuwaan na lang daw nilang magpakabasa sa malakas na ulan doon, “So naligo nalang kami sa ulan. Stay safe, everyone!!!”
Umani naman ng mga nakakatuwang comments ang IG post ng Parokya ni Edgar frontman. Narito ang ilan.
“Stay safe sir chits! sana makabalik din kayong Naga. saka na pag hindi na baha.”
“Sir Chito sana ma-notice, walang kupas talaga.. solid PNE lalo na kagabi.”
“Sana po hindi sumakit likod niyo sa lamig.”
“Enjoy lang but keep safe mga kuys.”
“Kala ko ikaw nakataas ang kamay @alvinfgarcia hahahahahaha jokes.”
“Yay, gagawa na Yan Ng kanta Ng may ulan Ang title. Pumapatak nnmn ang ulan sa bubong ng bahay. Ingat po dito sa Sorsogon! Solid kagabi concert nyo kahit lakas ng ulan.”
“Parang title lang ng kanta. S-S-S, Stranded Sa Sorsogon.”
“Compose ng kanta habang nasa Sorsogon habang may bagyo.”
“Yan dapat ang trip hehehe.. Mag tumbang preso pa kayo Dyan Sarap Nyan.. hahaha.”
“Haranahon ninyo ang mga binaha.”
“Cute nyo po, parang mga bata.”