P40-B assets ni Liam Payne mapupunta lahat sa nag-iisang anak

P40-B assets ni Liam Payne mapupunta lahat sa nag-iisang anak

Liam Payne

AABOT sa £56 million o P4 billion worth of assets ang naiwan ng yumaong miyembro ng One Direction na si Liam Payne.

Balitang ang lahat ng ito ay ipagkakaloob sa nag-iisa niyang 7-anyos na anak na si Bear Grey, ang anak niya sa singer na si Cheryl Cole na dati namang miyembro ng girl group na Girls Aloud.

Namatay si Liam sa edad na 31, nitong nagdaang October 16, matapos mahulog mula sa 3rd floor ng tinutuluyan niyang hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.

Noong nabubuhay pa ang international singer ay palagi niyang nababanggit na gusto niyang ipamana sa kaisa-isa niyang anak ang lahat ng kanyang assets mula sa ilang taong pagtatrabaho.

Sabi ni Liam sa panayam ng Logan Paul’s Impaulsive podcast noong 2022, “My life now is his, my money is his (Bear Grey). I actually have… actually got several companies that are up and running that I know he can run one day if he wants to.

Baka Bet Mo: One Direction member Liam Payne patay matapos mahulog sa 3rd floor ng hotel

“And he wants to sell them, he can sell them. if he wants to run them, he can run them. That’s his choice,” ang sabi pa ni Liam.


Taong 2010 nang ipakilala ang One Direction sa buong mundo na nabuo nang dahil sa producer at negosyanteng si Simon Cowell.

Si Simon ay isa sa mga hurado ng “The X Factor UK”, ang British reality talent competition kung saan unang na-discover si Liam at iba pang miyembro ng One Direction na sina Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson, at Niall Horan.

Nauna nang napabalita na umabot sa 25 injuries ang tinamo ni Liam matapos mahulog nitong Huwebes na talagang ikinagulat ng kanyang mga fans and supporters mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Base sa mga naglabasang report mula sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Argentina at sa resulta ng autopsy, nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Liam.

Ayon pa sa ulat, ang mga sugat at pinsala sa katawan ni Liam ay consistent sa mga injury na may kinalaman sa pagkahulog.

Nakasaad din sa resulta ng imbestigasyon, mag-isa lang si Liam sa kuwarto ng tinutuluyang hotel nang mangyari ang insidente.

Posibleng nakaranas din umano ng “episode” ang international singer dahil sa hinihinalang substance abuse.

Nabatid din na may mga nasirang gamit sa loob ng kanyang hotel room. Natagpuan din ng mga imbestigador sa kuwarto ang hinihinalang droga at alcohol.

Meron din silang nadiskubreng isang cellphone, lighter, energy packs, at anxiety medication.

Read more...