HINDI napigilan ni Karylle ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang namayapa niyang amang si Dr. Modesto Tatlonghari.
Nito lamang nagdaang Agosto nang ibalita ng TV host-singer at anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na pumanaw na ang pinakamamahal niyang tatay.
Sa panayam ni Vice Ganda sa ka-teammate niya sa “Magpasikat 2024” ng “It’s Showtime” ay napadako nga ang kanilang usapan tungkol sa namayapa niyang ama.
Ayon kay Karylle, para sa kanya ang ibig sabihin ng salitang “hope” ay malaki ang kaugnayan sa “love.”
“Hope, karugtong siya ng love. Karugtong din niya ‘yung faith. And sa buhay, may mga test of faith,” pahayag ni Karylle.
Baka Bet Mo: Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle
Kasunod nga nito ay inalala ng “It’s Showtime” host ang ilang bonding moments nila ng yumaong ama.
“Bata pa lang ako, nakaranas na ako ng matinding kadiliman or sadness. Naghanap rin siya ng mga tao to surround me na mabubuting tao.
“He made sure na lagi kami nagsisimba. And pinuno niya ‘yung buhay ko ng music,” sabi ni Karylle.
Dagdag pa niya, “Nakikita lang niya sumasali ako sa lahat, lahat ng performances nandu’n siya. ‘Yung last na play na ginawa ko sobra niyang saya, kasi ‘yun ‘yung favorite namin pinapanood ko nu’ng bata ako.”
Sabi naman ni Vice sa kanya, “This will be the first time na ‘Magpapasikat Ka’ nang hindi mo na makikita ‘yung dad mo sa paligid.”
Sagot ni Karylle, “Iniisip ko yan. May picture nga ako na nakita. Sabi ko, ‘grabe!’
“’Pag iniisip mo ‘yung magiging mahirap dahil mahirap ‘yung gagawin ko. It’s me missing him as I prepare and alam ko hahanapin ko siya,” ang emosyonal pang pahayag ni Karylle.
Ang team nina Vice Ganda, Karylle at Ryan Bang ang unang sumabak sa Magpasikat Week ng “It’s Showtime” ngayong araw bilang bahagi ng kanilang 15th anniversary.
Isang heartwarming and inspiring performance ang hatid ng grupo tungkol sa “hope.” Nakasama rin nila sa kanilang pasabog na number sina Olympic medalist Carlos Yulo, Awra Briguela at ang SB19.
“15th year is a milestone. Sa panahong ito ano pa ba ang dapat nating ibinibigay? Bukod sa we want to make madlang people happy, basic na sa atin ‘yon.
“Para sa puntong ito ang tina-try na nating ibigay is something that has eternal value, ‘yung mas may kabuluhan na siya, dahil sa gulo ng paligid. So ano ba ang kailangan natin? ‘Yung hope ang kailangan natin araw-araw,” pagbabahagi ni Vice.