Director laglag sa teleserye dahil hindi kasundo ang producer

Director laglag sa teleserye dahil hindi kasundo ang producer

MAY tsugiang naganap sa isang umeereng teleserye dahil hindi raw nagkasundo ang director at producer.

Sitsit ng aming Paru-paro ay nagkaroon ng pagtatalo ang director at producer ng serye dahil hindi nasunod ang gusto ng huli sa anggulong gusto niya. Parehong mainit ang ulo nang dalawa kaya nagpang-abot.

Tsika ng aming paru-paro, “may mga little things ng hindi gusto si (producer) kay (director) hanggang sa lumaki, feeling ni (producer) masyadong kampante na kas inga, di ba matagal na silang magka-work.

“Saka may mga sitsit din kasi mula sa ibang tao, bulungan ban a nakarating na kay (producer) kaya sabi na lang pahinga na lang muna baka pagod lang.”

Baka Bet Mo: Rita Avila nabiktima ng manyak na direktor: KADIRI! NAKAKATAKOT!

 

Dagdag pa, “feeling ko naman magkaka-ayos din ‘yan pagdating ng araw, naglabasan lang ng mga init ng ulo.”

Isa pang kuwentong narinig namin ay ang dating mabilis na taping ay bumagal sa parte ng director bagay na ayaw ng lahat kas inga may hinahabol na airing date.

“Alam mo naman si (producer) di ba, ayaw niya ng matagal para tipid. Kasi kung magtatagal ka sa isang eksena, paano ‘yung ibang eksenang kukunan din ng araw na ‘yun? E, di malilipat sa ibang araw, narinig ko maraming oras nasayang,” tsika ng isa pa naming source.

In fairness ang bilis daw makahanap ng kapalit na director dahil isang tawagan lang, umokey na kaagad.

“Wala pa naman kasing ginagawa si Direk (bagong director) kaya puwede niyang tanggapin pero alam ko may gagawin siyang pelikula wala palang go signal ang producer niya na pang festival sa ibang bansa,” tsika pa sa amin.

In fairness ay mabilis mag-direk ang bagong director ng serye at suki naman siya talaga ng network bukod do’n ay nagsusulat siya ng script kaya baka kinuha siya ng producer kasi makakatipid sila ng bayad sa writer.

“Saka si (bagong director), di ba siya ‘yung director ng serye nina (mga actor), maganda di ba?” say sa amin.

Oo ang ganda ng seryeng pinagbidahan ng mga kilalang actor na iyon, nagsama-sama ang magagaling umarte.

Read more...