Shanne Dandan mas may ‘freedom’ na bilang artist, anong natutunan noon kay Lea?

Shanne Dandan mas may ‘freedom’ na bilang artist, anong natutunan noon kay Lea?

PHOTO: Facebook/Shanne Glyndel Dandan

NAAALALA niyo pa ba si Shanne Dandan, ang dating contestant sa ‘The Voice Kids’ Season 1?

Well, isa na siyang professional singer ngayon at kaabang-abang ang upcoming debut album niya na pinamagatang “Kung Iyong Mamarapatin.”

Kamakailan lang, nagkaroon ng mini press conference at listening session para sa first -ever album ni Shanne at diyan hinalungkat ng ilang entertainment press ang naging karanasan niya bilang naging coach nga niya ang broadway star na si Lea Salonga.

Kung matatandaan, nasa edad 12 pa lang si Shanne nang sumali siya sa nasabing TV reality competition show noong 2014.

Baka Bet Mo: Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

Ang kinanta niya sa blind audition ay ang “Tadhana” ng Up Dharma Down at ang judges na umikot ang upuan ay sina Lea at Bamboo Mañalac, pero ang kanyang pinili ay ang theater legend.

Anyway, shinare samin ng young singer kung ano ang isa sa mga natutunan niya kay Lea bilang singer.

“Yung natutunan ko siguro with Coach Lea is singing with your heart,” sey niya.

Patuloy ni Shanne, “Syempre, si Ms. Lea grabe rin siya kumanta. Mafi-feel mo talaga ‘yung soul niya.”

“I think ‘yun ‘yung pinaka memorable lesson ko from ‘The Voice Kids.’ Nadala ko rin ‘yun with my own songs na dapat lagay mo ‘yung puso mo sa bawat kanta na kakantahin o susulatin mo,” aniya pa.

Ang mga kasabayan nga pala niya sa nasabing kompetisyon ay ang grand winner na si Lyca Gairanod at ang runner-up na si Darren Espanto.

Matapos ang “The Voice Kids,” lumaban din si Shanne sa “Born to be a Star” ng TV5.

Bilang marami na siyang experiences sa TV competitions, inamin ng singer na mas malaya siya ngayon pagdating sa pagkanta, pagpili ng kanta, at pagsusulat ng kanta.

“Before po kasi I used to follow lang po ‘yung mga tinuturo sakin,” pagbunyag niya.

Paliwanag niya, “As a young person, ‘yung rules talaga kailangan mo siya [sundin]. ‘Yung mga technique, ‘yung singing ko rin noon is very restricted rin, like, dapat technique na ganito, ganyan. So parang ngayon, I’m super free na to sing whatever I want to.”

Dagdag pa ni Shanne, “Compared po before na dapat pang contest lang parang may ganun po kasing culture sa Filipino singers. Parang kapag hindi ka bumibirit hindi ka magaling.”

Ang 10-track album ni Shanne ay tungkol sa mga karanasan niya sa buhay at self-discovery.

Magkakaroon pa nga ito ng album launch concert sa darating na October 25 sa Sari-Sari Cocktails sa Makati. 

Read more...