Charlie Puth hindi makapaniwalang wala na si Liam Payne

Charlie Puth hindi makapaniwalang wala na si Liam Payne

NAGDADALAMHATI ang international singer na si Charlie Puth sa pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng One Direction na si Liam Payne.

Marami ang nabigla at nalungkot matapos malaman ang biglaang pagkamatay ng 31-anyos na singer ngayong Huwebes, October 17.

Matapos kumalat ang balita ay isang tribute ang inialay ni Charlie para kay Liam kung saan nag-post ito ng kanilang throwback picture together.

“I am in shock right now. Liam was always so kind to me. He was one of the first major artists I got to work with.

Baka Bet Mo:  Liam Payne nag-post ng ‘Beautiful Day in Argentina’ bago namatay

“I can not believe he is gone… I’m so upset right now, may he rest in peace,” saad ni Charlie.

Pagbabahagi pa niya, naging mabuti ang pakikitungo sa kanya ni Liam noong buhay pa ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang kaibigan.

Ayon sa mga lumabas na report, nahulog si Liam mula sa ikatlong palapag ng kanilang tinutuluyang hotel sa Argentina.

Gaya ni Charlie, marami ring mga artists at fans ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa sinapit ni Liam.

Marami rin ang nagtitik ng kandila at nag-alay ng bulaklak at dasal kung saan nahulog ang singer.

Read more...