TRUE nga ba ang chika na nagkaroon ng matinding tampo ang Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel pati ang kanyang buong pamilya sa GMA 7?
Isa ito sa mga nilinaw ni Carmina nang makachikahan siya ng ilang piling miyembro ng entertainment media sa finale mediacon ng hit Kapuso Afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” recently.
Nag-ugat ang isyu ng “tampo” nang hindi dumalo ang Legaspi family sa naganap na GMA Gala ilang buwan na ngayon ang nakararaan.
Nagtatakang paliwanag ni Mina, “Why?May tampo kami? Wala, wala. Unang-una, bakit kami magkakaroon ng tampo sa GMA?
Baka Bet Mo: Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon
“They have been good to us. Ang tagal na namin sa kanila. They have been nice to us and we’re forever grateful to them.
“Sa lahat ng nakatrabaho namin, nagbigay ng trabaho sa amin, we’re always grateful to them. So, bakit ako magkakaroon ng tampo? Wala, wala,” ang tuluy-tuloy na paliwanag ng aktres.
Binanggit niya ang pagiging emosyonal niya sa finale presscon ng “Abot-Kamay Na Pangarap”, “Kasi, kung may tampo ko, iiyak ba ako?”
Ang explanation ni Carmina, ang hindi nila pagdalo sa GMA Gala last July ay may kinalaman pa rin sa mga isyung kinasangkutan nila ng kanyang pamilya at sa dating girlfriend ni Mavy Legaspi na si Kyline Alcantara.
“We just opted not to go and they knew, they knew naman talaga. Yun ang height ng isyu, so parang kami na lang ang umiwas. Yun nga ang sinasabi ko na, showbiz family kami, pero hindi kami showbiz.
“We don’t want to…alam namin when to lie low. Basta kami, alam nila kung bakit hindi kami pupunta and they knew our reason.
“Kaya natatawa na lang kami, yung parang nakakapagod. Lahat na lang ng action namin, may ibig sabihin sa kanila,” sey pa ni Mina na ang tinutukoy ay ang mga bashers ng kanilang pamilya.
Sa gitna ng mga kinasangkutan nilang isyu at kontrobersya nitong mga nakaraang buwan ay natanong din ang aktres kung nagsisisi ba sila ni Zoren na pinayagan nilang mag-showbiz ang kambal nilang anak?
“Regrets? None. I have no regrets. My kids are happy. That’s their choice. Ako talaga, sina-shy away ko sila. Mag-business na lang kayo. Alam ko how cruel showbiz can be.
“Ang showbiz, sa akin, hindi naging cruel. In fact, I’m very happy. Kung hindi ako maligaya, wala siguro ako rito ngayon. Pero ang dami ko namang warning sa kanila, guidance, ganun. But I have no regrets,” ani Mina.
Ano nga ba ang advice niya kina Cassy at Mavy kapag may mga ganitong intriga, “Ang importante at palagi ko ngang sinasabi sa kambal, in every problem or mga trials, ang importante roon, ang dami naming lesson along the way.
“At mas lalong tumibay ang pamilya. Na, okay, we’re unbreakable pala. And for them to see na, ‘Okay, this is showbiz. It can really be dirty and especially now na titirahin ka below the belt,” lahad pa ni Carmina.