Zeinab alagang-alaga ni Bobby Ray Parks: Tsaka yung dilig na tama!

Zeinab alagang-alaga ni Bobby Ray Parks: Tsaka yung dilig na tama!

Bobby Ray Parks at Zeinab Harare

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung ano nga ba ang ginagawa ngayon ni Zeinab Harake kay Bobby Ray Parks na hinding-hindi niya ginagawa noon.

Pak na pak ang bagong vlog ng content creator na si Viy Cortez sa kanyang YouTube channel kung saan nakachikahan niya ang kapwa vlogger na si Zeinab.

In fairness, mabilis naging trending video sa YouTube ang collab nina Viy at Zeinab  kung saan napakarami na namang rebelasyon ng dalawang content creator at influencers.

Ayon sa dalawang celebrity mom, anim na taon na silang magkaibigan at ang kadalasan na raw nilang pinag-uusapan ngayon ay ang kanilang pagiging nanay. Pero siyempre, nagungkatan din sila tungkol sa past.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Pinansin ni Viy ang kakaibang glow ngayon ni Zeinab. Talaga raw mas nag-uumapaw ang kagandahan at kaseksihan nito ngayon.

“Mas iba ‘yung pagka-blooming niya ngayon, iba talaga kapag minamahal nang tama, naaalagaan nang tama,” papuri ni Viy sa kaibigan.

“Yes,” ang mabilis namang sagot ni Zeinab. Sabay hirit ng, “Yes, saka ‘yung dilig na tama. Charing!” Sabay apir kay Viy habang laugh nang laugh.


Pagsang-ayon naman ni Viy kay Zeinab, “‘Pag ‘di ka nadiligan para kang halaman na lanta, eh. (Pero ikaw) Para kang bulaklak na nagbukas.”

“Tama! Mismo!” ang pag-agree naman ni Zeinab sa sinabi ni Viy na super happy din naman sa asawa niyang si Cong TV.

Bigla uling humirit ng nakakaintrigang tanong si Viy kay Zeinab — ginagawa na raw ba nito ang ayaw na ayaw niyang gawin dati.

Diretsahang sagot ni Zeinab, “Ginagawa ko na! Ha-hahahaha!” Pero hindi na sinabi ng aktres at vlogger kung ang kanyang tinutukoy. Guess, guess awww! na lang daw!

Ilang linggo na ang nakararaan ng mag-propose si Bobby kay Zeinab. Tinapatan din ito ng aktres at “lumuhod” din sa harap ng kanyang fiancé para siya naman ang mag-propose.

Bago maging dyowa at ma-engage kay Bobby, nakarelasyon muna ni Zeinab ang singer-rapper na si Skusta Clee.

Read more...