Vice bumanat sa isyu ni Julie Anne sa simbahan: Charot lang, kayo naman!

Vice bumanat sa isyu ni Julie Anne sa simbahan: Charot lang, kayo naman!

Julie Anne San Jose at Vice Ganda

PAK na pak sa madlang pipol ang pagdyo-joke ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa kinasangkutang kontrobersya kamakailan ni Julie Anne San Jose.

Sa nakaraang episode ng “Tawag ng Tanghalan” sa ABS-CBN at GMA noontime program na “It’s Showtime” nagbitiw ng punchline si Vice na may konek sa pagkanta sa loob ng simbahan.

Pinuri-puri ng TV host-comedian ang contestant sa pagkanta nito ng “You Are My Destiny” ni Paul Anka. Para raw  pang-Linggo talaga ang boses nito, ibig sabihin pwedeng-pwede raw simbahan ang voice nito.

Baka Bet Mo: Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang ‘car chase’ last year: Pero napakaswerte ko pa rin!

Kaya tinanong ni Vice ang contestant kung ano ba ang ginagawa nito every Sunday, “Nagsisimba,” ang mabilis na sagot ng “TNT” contestant.

“Anong kinakanta sa simbahan?” sundot na tanong ni Vice. Pero siya na rin ang sumagot, “Dancing Queen. Charot!”

“Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang ‘yung mga eksena n’yo,” ang natatawa pang hirit ng TV host-comedian.

Kung matatandaan, naging malaking isyu ang pagpe-perform ni Julie Anne sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro, para sa isang benefit concert.


Hindi nagustuhan ng ilang Pinoy ang pagkanta ng Kapuso actress-singer at TV host ng “Dancing Queen” ng Abba sa mismong altar ng simbahan pati na ang kanyang suot na gown na may mahabang slit.

Hindi raw kasi appropriate yun sa lugar kung saan idinaos ang concert.

Unang naglabas ng public apology ang GMA Sparkle talent management hinggil sa nangyari na sinundan ng official statement ng kura paroko ng simbahan.

Nag-sorry rin si Julie Anne sa lahat ng na-offend sa naging performance niya sa loob ng simbahan kung saan sinabi niyang wala siyang intensiyon na makasakit ng kanyang kapwa.

“I am offering my apologies.

“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.

“I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated.

“I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken. I pray that we can all move forward with compassion in our hearts. Thank you,” ang buong mensahe ng girlfriend ni Rayver Cruz.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa pagbibiro ni Vice sa “Showtime” ng kinasangkutang issue ni Julie Anne.

May mga natawa at naaliw sa punchline ng komedyante pero meron ding pumuna sa kanya. Paalala ng ilang fans ni Julie Anne, sana raw ay maging maingat at sensitive si Vice sa pagbibiro sa mga Kapuso stars lalo’t napapanood din ang show nila sa GMA 7.

Read more...