David ‘di nagpalamon kina Alden, Barbie at Sanya sa bardagulang aktingan

David 'di nagpalamon kina Alden, Barbie at Sanya sa bardagulang aktingan

David Licauco, Sanya Lopez, Alden Richards, Barbie Forteza at Angelu de Leon

DUMAAN sa matitinding challenges ang Kapuso actor na si David Licauco bago siya nakatanggap ng positibo at magagandang komento sa pagiging aktor.

In fairness, talagang pinupuri ngayon ng mga manonood at netizens sa social media ang akting na ipinakikita niya sa hit Kapuso primetime series na “Pulang Araw“.

Napapanood din namin si David sa naturang serye gabi-gabi sa GMA 7 at totoo namang napakalaki na ng naging improvement sa kanyang pag-arte. As in hindi siya nagpapalamon kina Alden Richards, Barbie Forteza at Sanya Lopez.

Baka Bet Mo: May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

Ginagampanan niya sa “Pulang Araw” ang karakter ni Hiroshi Tanaka, isang Japanese immigrant sa Pilipinas na naging translator ng Japanese forces na nananakop sa bansa.

Inamin naman ni David na napakaraming “trial and error” ang ginawa niya mula noong magsimula siya bilang artista hanggang ngayon na itinuturing na siya bilang isa sa prized possession ng Kapuso Network.


“I’m doing my best in anything I do whether it’s business, basketball, or working out, and now it’s acting,” ang pahayag ni David sa panayam ng GMA Network.

“Siguro in this teleserye (Pulang Araw) lang kaya siguro nagkaroon ng big shift and kaya rin siguro na-appreciate nila ‘yung acting ko is because siguro ang daming trial and error for this show,” dagdag pa ng aktor.

Inamin din ni David na totoong hirap na hirap siyang mailabas ang kanyang emosyon para sa isang partikular na eksena kaya naman ito ang talagang tinutukan niya sa mga workshops para mas mag-improve pa.

“Before, nararamdaman ko naman ‘yung mga eksena, it’s just that ang problem ko before was ‘yung execution, ‘yung technicalities of being an actor and before this teleserye, I really practiced, I really studied different films not just locally but ‘yung mga international.

“Sa lahat naman ng gagawin natin sa buhay kailangan natin ng neverending learning perspective,” ang sabi pa ng binata sa naturang interview.

Masaya rin si David dahil sa mga positibong feedback mula sa mga estudyanteng supporters ng “Pulang Araw” na nakikipag-participate sa kanilang campus tours.

“I’m super happy kasi siyempre ‘yun naman din ‘yung vision naming lahat, ng actors, ng production, ng buong GMA na ipakita kung ano ‘yung history ng Philippines.


“So now that we are getting the fruits of our labor and seeing all the positive feedbacks e, yun din naman talaga ang gusto namin.

“Ang gusto lang din talaga namin is for us to be aware of what happened in the past and for them to learn from that and for them to siguro i-apply ‘yung mga bagay na nangyari noon sa buhay nila ngayon.

“Siyempre ‘yung mga Filipino before ang dami nilang problema and tha gravity of their problems are through the roots and now ‘di ba, siyempre may mga problema tayo, sana may natututunan tayo at ma-apply natin ‘yun sa mga problema natin ngayon,” pahayag pa ni David sa panayam ng GMA.

Read more...