Kim, Paulo first time magtatambal sa pelikula, fans super excited na

Kim, Paulo first time magtatambal sa pelikula, fans super excited na

PHOTO: Instagram/@pauavelino

SABIK na sabik na ang maraming fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino o kilala sa love team na “KimPau.”

Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon sila ng pelikula na pagtatambalan!

Ang kanilang upcoming film ay pinamagatang “My Love Will Make You Disappear” at ito ay proud na ipinasilip ng dalawa sa kanilang Instagram Story.

Makikita sa ilang litrato na kasama ng on-screen couple ang ilang production staff, pati na rin ang film director na si Chad Vidanes.

Baka Bet Mo: Albie Casiño na-inspire sa KimPau loveteam; pinuri sina Maris at Anthony

PHOTO: Instagram Story/@chinitaprincess

Ibinandera rin ni Nico Antonio, ang isa sa cast ng pelikula, ang isang picture na makikita kung sino-sino pa ang mga tampok sa pelikula.

Kabilang na riyan sina Wilma Doesnt, Karina Bautista, Lovely Abella, Benj Manalo at Martin Escudero.

Ang caption diyan sa IG post, “Soon,” kalakip ang hashtag na “TYL” o thank you Lord at ilang emojis.

Kung matatandaan, noong Agosto lamang nang inanunsyo na magkakaroon ng pelikula ang KimPau.

Paglalarawan pa nga ng direktor, isa itong “classic rom-com” na ipapakita ang magic ng pagmamahal na pwedeng humantong sa pagiging “wild” at “fun.”

Ang upcoming project ay based sa konsepto ni Prime Cruz at isinulat nina Patrick Valencia at Isabella Policarpio.

As of this writing, wala pang detalye kung kailan ipapalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula.

Magugunitang ilan lamang sa proyekto nina Kim at Paulo this year ay ang mga seryeng “Linlang” at ang Philippine adaptation ng K-Drama na “What’s Wrong with Secretary Kim.”

Read more...