ILANG araw nang pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz na hanggang December 2024 na lang ang “It’s Showtime” sa GMA 7 na nagsimula noong April 6.
Ibabalik na raw ang noontime show ng GMA ngayong bumalik na sa Television and Production Exponents o TAPE, Inc. ang dating executive na si Ms. Malou Choa-Fagar bilang Presidente at CEO.
Matatandaang matagal na sa TAPE si Ms. Fagar noong okay pa ang hosts ng “Eat Bulaga” na sina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang producer ng programa, ang Jalosjos siblings.
Pero naunang umalis si Ms. Fagar sa TAPE, Inc. dahil nagkaroon naman daw sila ng problema ng isa sa host ng EB noon.
Nagtanong kami sa taga-Showtime kung totoo ang tsikang hanggang December na lang ang programa nila sa GMA 7 pero hindi kami sinagot.
Baka Bet Mo: Anne Curtis babu na nga ba sa Showtime, papalitan raw ni Bela?
Pero nakausap ng TV reporter na si MJ Felipe ang main host ng “It’s Showtime” na si Vice Ganda at sinabi niya na may sumasabotahe sa hosts.
“Well, there really was or there really is a demolition job against ‘It’s Showtime.’ Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling ‘yun. ‘Yung ginagawa sa social media, demolition job ‘yun, ‘di ba?
“Nu’ng mga trolls, demolition job ‘yun eh. Meron silang masamang intensyon at balak kaya demolition job ‘yun,” paliwanag ni Vice.
Dagdag pa niya, “Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha din ng iba. At para makuha nila ‘yun, kailangan nilang subukan ‘yun ganung ruta. Kailangan natin mabasag at makuha ‘yung kung anong meron sa kanila.”
Samantala, 15 years na ang “It’s Showtime” at marami na itong pinagdaaanan tulad ng mga suspensions mula sa MTRCB, mga host na nawala na at may mga bagong papasok, backlash pero nanatiling nakatayo pa rin ang noontime show ng Kapamilya channel.
“We just have to deal with it and we just have to keep on going. Kaming lahat sa dami nang pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, challenges and threats together. It will be hard kung hindi kami magkakasama. Kaya ‘yun ang lagi naming pinananatili at tinatawid. Kailangan magkakasama tayo.”
Sey naman ni Vhong Navarro, “Wala naman talagang perpekto, may mga pagkakamali. Sa dami mong ginawa na tama, isang pagkakamali lang na nagawa mo, ang maaalala lang ng mga tao ay ‘yung isang pagkakamali na ‘yun. Kumbaga, hindi mo mapi-please lahat ng tao.”
Hmmm, sadya kayang sinisiraan ang “It’s Showtime” para umingay ang pinaghahandaang ika-15th anniversary ng show simula sa October 24 at mapapanood ang taunang Magpasikat production number ng mga host at bilang magkaka-kumpetensiya sila.
Bukas ang BANDERA sa panig ng Showtime kung totoong hanggang December na lang sila sa GMA 7 at panig din ng Kapuso network tungkol dito.
May mga nagsabi naman na sa ALL TV lilipat ang “It’s Showtime.”