PARA sa King of Talk na si Boy Abunda, mali talaga ang ginawang pagpe-perform ni Julie Anne San Jose sa loob ng simbahan suot ang sexy OOTD at ang ilang piyesang kinanta nito.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, naglabas ng kanyang saloobin si Tito Boy sa kontrobersyang kinasangkutan ni Julie Anne na patuloy pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media.
Nag-viral ang video ng Limitless Star kung saan mapapanood ang performance niya sa mismong harapan ng altar ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Nega ang reaksyon ng mga netizens sa suot na gown ni Julie Anne na may high slit pati na ang mga kinanta niya sa sinasabing “benefit concert” kabilang na ang “Dancing Queen.”
Simulang paliwanag ni Tito Boy, “Nakakabilib lang no’ng pinanood ko ‘yong video, si Julie Anne San Jose kasi for her stature, and she’s one of the biggest talents in the music industry today.
Baka Bet Mo: Brenda Mage ipinaayos ang simbahan sa kanilang probinsya, umani ng papuri mula sa mga netizens
“Sa kaniyang stature sabi ko parang nakakabilib naman ‘tong si Julie Anne. She still does these fundraisings for churches.
“Walang…I don’t know how to say this… Hindi siya namimili ng tutulungan. ‘Yun ang dating sa akin,” lahad ng premyadong TV host.
Ngunit sumang-ayon ang King of Talk sa naging reaksyon at komento ng mga netizens hinggil sa isinuot na damit at mga kanta ni Julie Anne sa benefit concert.
“I know it was wrong, Ako rin, I agree with the public reaction na parang inappropriate ‘yung venue. Nandoon lahat ‘yon, agree ako doon,” ang pagpapakatotoo ni Tito Boy.
Naikuwento rin ng premyadong TV host ang naging experience niya noon as a talent manager na nangyari nang pumunta sila sa isang concert sa Bicol kasama ang kanyang talents.
“Dumating kami doon sa venue on the day of the concert, simbahan po ang venue. And ending po noon hindi kami nag-perform sa simbahan. I demanded doon ho kami sa labas,” pagbabahagi ni Tito Boy.
“I haven’t spoken to Julie, kasi puwede ring dumating ka, nalaman mo na sa loob ng simbahan, do you actually have the time to change your repertoire, to change your clothes?
“I am not making excuses, I am just saying na may mga on-ground realities po lalo na para sa artista,” saad pa ni Tito Boy.
Sa huli nagbigay din ng paalala ang TV host sa lahat hinggil sa nangyari kay Julie Anne, “For everything that had happened, lahat ng leksyon na natutunan, makikita ho natin na lahat ng gumalaw na tao dito sa kuwentong ito ay may magandang intensyon at may magandang puso.”