Nico Locco, Christine Bermas ‘final’ na ang hiwalayan

Nico Locco, Christine Bermas 'final' na ang hiwalayan

INAMIN ng Canadian actor at host na si Nico Locco na muli silang nagkabalikan ng Vivamax sexy star na si Christine Bermas.

Ngunit ang malaking plot twist ay muli na naman silang naghiwalay at this time ay wala na talagang balikang magaganap.

Sa naging interview kay Nico nitong Huwebes, October 10, sinabi niyang final na raw ang kanilang break up ngayon.

“Final na po…. I don’t want to add any comments there. Para sa akin ‘pag private life, private life na talaga,” pagbabahagi ni Nico.

Dagdag pa niya, “Pero not everybody is good they are as it seems. […] Kung anoman ‘yong problem niya, I hope maging okay siya.”

Baka Bet Mo: Vivamax bombshell Christine Bermas napatunayang seryoso sa kanya ang dyowang sexy actor na si Nico Locco: ‘Nakilala ko na ang parents niya’

Bandera IG

Isiniwalat rin ni Nico na hindi na sila nag-uusap ni Christine.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay inamin niyang nami-miss pa rin daw niya si Christine.

“I wish her the best and sana maging better person siya,” dagdag pa ni Nikko.

Matatandaang naisapubliko ang naging paghihiwalay ng dalawa nang sumalang sila sa segment ng “It’s Showtime” na “Expecially For You” noong May 2024.

Dito ay inamin nina Christine at Nico na may mga problema sila na nakaapekto sa kanilang relasyon dahilan para maghiwalay sila.

Read more...