Gretchen sa chikang hiwalay na sila ni Tonyboy Cojuangco: ‘Ang funny!’

Gretchen sa chikang hiwalay na sila ni Tonyboy Cojuangco: ‘Ang funny!’

Gretchen Barretto, Tonyboy Cojuangco

SINAGOT na ng actress turned philanthropist na si Gretchen Barretto ang matagal nang kumakalat na chikang hiwalay na sila ng businessman tycoon na si Tonyboy Cojuangco.

Ito ay matapos mapagkwentuhan sa recent YouTube vlog ng celebrity doctor na si Dra, Aivee Teo nang bumisita ang dating aktres sa kanyang clinic.

Sa gitna ng beauty treatment, inilarawan ni Gretchen si Tonyboy bilang isang “keeper,” lalo na’t patuloy raw itong sumusuporta sa kanyang pagpapaganda.

“When a man supports a woman wherever you go, supports you even when you’re doing derma, that is something else. A keeper,” sey ng celebrity mom.

Patuloy niya, “That’s what Tony is. It doesn’t matter what time, what day.”

Baka Bet Mo: Gretchen nakatipid, mas ‘peaceful’ mula nang talikuran ang socmed

“Tingnan mo naman, 31 years na kami sa [February]. Never separated ha,” aniya pa.

Nabanggit din ni Gretchen na nakakarating sa kanila ‘yung mga “breakup rumors,” pero pinagtatawanan na lamang nila ito ng kanyang longtime partner.

“Ang funny nga when people say hiwalay [kami],” sambit ni Gretchen.

“Oh my gosh. Alam mo now, I laugh—we really laugh [about it],” chika niya.

Giit pa niya, “[We] have history, [We] have continuity. [We] have everything.”

Until now ay hindi pa rin ikinakasal sina Gretchen at Tonyboy, pero mayroon silang isang anak na si Dominique.

Si Dominique ay ikinasal last year at biniyayaan ng first baby nitong Mayo lamang.

Read more...