Shaira Diaz sumailalim sa operasyon, EA Guzman umusal ng dasal

Shaira Diaz sumailalim sa operasyon, EA Guzman umusal ng dasal

EA Guzman at Shaira Diaz

SUMAILALIM sa operasyon ang Kapuso actress at TV host na si Shaira Diaz kaya naman nag-alay ng dasal ang kanyang fiancé na si EA Guzman.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang Kapuso actor ng litrato ni Shaira  kalakip ang kanyang panalangin kay Lord para sa ligtas at matagumpay na surgery ng dalaga.

Walang binanggit si EA kung ano ang karamdaman ni Shaira at kung anong uri ng operasyon ang kailangan nitong pagdaanan.

Baka Bet Mo: EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

“Heavenly Father, I life up my fiancée to you as she prepares for her operation. Please guide the hands of the doctors and nurses, giving them wisdom and skill,” ang bahagi ng dasal ni EA para sa kanyang future wife.

Patuloy pa niyang panalangin, “Grant her peace, strength, and healing. Surround her with your love and protection, and help her recover quickly.


“I place my trust in You and ask for Your grace to be with us during this time. Amen!” ang sabi pa ni EA.

Kasunod nito, nag-post naman si Shaira sa kanyang Instagram stories, kung saan pinasalamatan niya si EA dahil sa pag-aalaga sa kanya habang nasa ospital.

Masaya rin niyang ibinalita na successful ang kanyang operasyon. “I love you. Thank you,” ang mensahe ni Shaira kay EA.

“Maraming salamat Lord God dahil hindi ninyo ako pinabayaan. Salamat dahil po ginabayan ninyo ang akin doctors and nurses, and the whole team, during the procedure.

“Thank you for healing me Lord God… Thank you sa prayers ninyo,” ang isa pang caption ni Shaira sa kanyang IG post kung saan makikita siyang nasa loob pa rin ng kanyang hospital room.

Noon pang December 25, 2021 nangyari ang engagement nina EA at Shaira pero ibinandera lamang nila ito sa publiko noong February 16, 2024. Ayon kay EA, posibleng maganap ang kanilang kasal sa 2026.

Read more...