Michelle wasak ang puso sa pagkatalo ni Ahtisa sa Miss Cosmo 2024, pero…

Michelle wasak ang puso sa pagkatalo ni Ahtisa sa Miss Cosmo 2024, pero…

Michelle Dee, Ahtisa Manalo

TULAD ng ilang pageant fans, nalulungkot din si reigning Miss Universe Philippines Michelle Dee para sa ating pambato sa Miss Cosmo 2024 pageant na si Ahtisa Manalo.

Magugunitang nagtapos sa Top 10 ang Pinay beauty queen, pero nakakuha siya ng awards na “Cosmo People’s Choice” at “Miss Cosmo Tourism Ambassador.”

Sa Instagram Broadcast Channel, inamin ni Michelle na inakala niyang mananalo si Ahtisa sa Vietnam-based pageant.

“Ako lang ba or sobrang sigurado ako na dapat manalo si Ahtisa?! Hayaan niyo muna ako mag Tagalog ha kasi ang plakado eh!!!!!” bungad niya.

“I mean… The walk, The talk, The bio?! Sheeesh,” paliwanag pa ni Michelle, kalakip ang hashtag na “WMMMO” na ang ibig sabihin ay “walang magmomove-on.”

Baka Bet Mo: Kylie napiling host para sa Miss Cosmo 2024: ‘She’s the perfect choice!’

PHOTO: Instagram/@michelledee

Kasunod niyan ay nagbigay rin siya ng paglilinaw tungkol sa mga kumakalat na chikang dine-discredit niya ang tagumpay ng mga bagong reyna ng Miss Cosmo 2024.

“We’ll always root for our representatives in the loudest way possible but it should never discredit the efforts of others,” sambit niya.

Esplika pa ni Michelle, “Inevitably, emotions will be high after every competition – but at the end of the day everything happens for a reason, everything will ALWAYS be as it should be, and no matter the circumstance WE should always choose to be kind and to see the lessons in between.”

“Unfortunately there are materials surfacing online about how I was ‘bringing down another queen’ which are false. In no way would I ever discredit anyone’s destiny,” dagdag niya.

Aniya pa, “I acknowledge how things may have been misinterpreted but I do hope this clears the air on my stance. “

PHOTO: Instagram/@michelledee

Hindi ito ang unang pagkakataon na may sinalihang international pageant si Ahtisa.

Kung matatandaan, siya ang itinanghal na first runner-up sa 2018 Miss International competition na ginanap noon sa Japan.

Samantala, ang tinanghal na kauna-unahang reyna ng Miss Cosmo pageant ay si Ketut Permata Juliastrid ng Indonesia.

Bukod sa korona, ang naiuwing cash prize ng top winner ay nasa halagang $100,000 o mahigit P5.6 million.

Ang itinanghal naman na first runner-up ay si Mook Karnruethai Tassabut ng Thailand, habang ang remaining delegates na nakapasok sa Top 5 ay sina Romina Lozano na panlaban ng Peru, Samantha Elliott of USA, at Bùi Thi Xuân Hạnh ng Vietnam.

Read more...