Kylie durog ang puso sa pagkamatay ng fur baby: ‘Thank you for your love’

Kylie durog ang puso sa pagkamatay ng fur baby: ‘Thank you for your love’

PHOTO: Instagram/@kylienicolepadilla

NAGLULUKSA ang aktres na si Kylie Padilla dahil sa pagkamatay ng kanyang alagang aso na si Bhakti.

Walang masyadong detalye, pero ibinandera ng aktres sa isang instagram Reel kung paano nila inilibing ang yumaong Golden Retriever.

May mensahe rin siya na ang nakalagay ay, “We love you sweet sweet soul. Thank you for blessing us with your love. Hope to meet your soul again [white heart, dove emojis].”

Bukod diyan, makikita na gumawa rin ng letter ang dalawa niyang anak na sina Alas at Axl para sa kanilang furry friend.

Mababasa ang isang card na ang nakalagay ay “I love you Bakti,” kalakip ang stick drawing na may hugis aso.

Baka Bet Mo: Edu Manzano naaksidente matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kaya hindi nakadalo sa 2 okasyon

Habang ang nakasulat naman sa isang notebook ay, “I wish Bakti will be okay in heaven and please God take [care] of Bakti.”

Sey sa caption ng IG post ng celebrity mom: “Sometimes the kindest souls come not in human form but in a furry companion and you were the kindest.”

Ani pa ni Kylie sa kanyang furbaby, “Thank you for being a blessing to our family. We love you [dove emoji].”

Kung matatandaan, taong 2022 nang pumasok sa buhay nila Kylie ang asong si Bhakti.

Ibinandera pa nga ng aktres sa IG kung bakit niya naisipang magkaroon ng furbaby.

“A very special Golden Retriever saved my life at taping earlier this year when I was hit with anxiety, so I manifested that we get one with the kindest soul so he could do the same for my family,” wika niya sa dating post.

Dagdag pa niya, “The universe answered. Our newest baby. Meet Bhakti.”

Read more...