Eminem magiging ‘lolo’ na, proud na ibinandera sa ‘Temporary’ music video

Eminem magiging ‘lolo’ na, proud na ibinandera sa ‘Temporary’ music video

PHOTO: Facebook/Eminem

MAGKAKAROON na ng apo ang legendary rapper na si Eminem!

Ang masayang balita na ‘yan ay proud na ibinandera ng international star kasabay ng inilabas niyang music video na “Temporary.”

Ayon kay Eminem, ang MV ay tribute para sa anak niyang si Hailie Jade na ipinagbubuntis ang first baby nila ng mister na si Evan McClintock.

Mapapanood sa video ang ilang throwback moments nilang mag-ama na mula pa noong 1999 hanggang sa ikinasal si Hailie.

Makikita rin sa bahagi ng clip kung paano sinorpresa ni Hailie ang kanyang ama na kung saan ay may inabot siya jersey na may pangalang “Grandpa,” pati na rin ang ultrasound photos.

Baka Bet Mo: Fil-Am rapper Ez Mil nasa pangangalaga na nina Eminem, Dr. Dre; pumirma sa 3 music labels

Ito ang naging hudyat ng anak ng iconic rapper na magkakaroon na ito ng apo.

Makalipas ang ilang oras, kinumpirma mismo ni Eminem na magiging lolo na siya sa pamamagitan ng Instagram post.

Ang kantang “Temporary” ay kabilang sa latest album ng rapper na pinamagatang “The Death of Slim Shady (Coup de Grâce).”

Ayon sa kanya, ito ay handog niya sa kanyang anak sakaling siya ay tuluyan nang sumakabilang buhay.

Hindi ito ang unang beses na may ginawa siyang music project para kay Hailie.

Nauna na riyan ang mga kantang “Hailie’s Song” at “Mockingbird.”

Si Hailie ay anak ni Eminem sa dating asawa na si Kim Scott.

Read more...