KC imposibleng dyowain si LUIS, iwas na sa lalaking ‘MALAMBOT’


Boto raw si Gabby Concepcion na maging balae si Luis Manzano para sa kaniyang magandang anak na si KC. Ang problema nga lang ay hindi yata feel ni Luis si KC.

Iba yata ang gusto ng binata ni Edu Manzano na manang-mana sa kaniya sa maraming aspeto. “Oo nga, ‘no! Parang carbon copy ni Edu si Luis. Sobra. Yung ilong niya ay kuhang-kuha ni Luis.

Yung pagka-TV host nilang pareho resembles each other so much. Pati ang tsismis ng pagkasilahis daw ni Edu ay parang minana rin ni Luis.

Kaya paano niya magugustuhan si KC gayong parang naiiba ng trip si Luis. Ha-hahaha!” anang isang barkada kong dalahira.
Hoy! Hindi bading si Luis, ‘no! Kung natsitsismis man siya kay Billy Crawford, dala lang iyon ng kulitan nila.

May girlfriend kaya dati si Luis – sunud-sunod pa nga, di ba? Nagkaroon siya ng Nancy Castiglione before then may Angel Locsin at kahihiwalay lang nila ni Jennylyn Mercado. Iyon ba ang bading?

“Bakit si Ogie Diaz, marami nang anak pero alam mo na. Hindi porke left and right ang naging girlfriend ay sure ka nang lalaki. Sa totoo lang, parang nagsipaghiwalay na lang ang mga girls sa kaniya na intact pa rin dahil parang hindi feel ni Luis ang mga alindog nila.

“Nabasa mo ba ang  blind items regarding an actress na halos magsuot na raw ng super-sexy na outfit pero deadma pa rin daw ang boyfriend niya kaya naghiwalay na.

Obviously, sila ni Jennylyn ang tinutukoy doon, ‘no! Sa panahon ngayon, makalabas lang ng konting cleavage ang babae, mabilis na sumusunggab kaagad ang lalaki.

Men are normally may pagkamanyakis in nature. Ha-hahaha!” walang-humpay na talak ng kausap namin. Ayoko nang makipag-argue. Napapagod na ako sa kadedepensa kay Luis pero mukhang no way sa kaniya.

Isa lang naman ang pinagmulan nito – ang statement ni Gabby na boto siya kay Luis para sa anak na si KC. Wait lang, tanungin din muna pala natin si KC kung type niya si Luis.

Kasi nga, after niyang makipag-break kay Piolo Pascual noon na questionable nga raw ang gender ay for sure ayaw na niya ng someone like him, di ba?

Hindi man confirmed na badingding o silahis si Luis pero for sure ay hindi feel ni KC ang someone na natsitsismis na malambot. I am not saying that Luis is pero may ganoong tsismis lang kasi. Hay, napakahirap magpaliwanag.

( Photo credit to Google )

Read more...