2 Vivamax stars mas type maka-date si Alden kesa kina Ruru at David

2 Vivamax stars mas type maka-date si Alden kesa kina Ruru at David

Azi Acosta, Alden Richards at Robb Guinto

KUNG mabibigyan ng chance, gustong maka-date ng dalawang Vivamax Bombshell na sina Robb Guinto at Azi Acosta ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Sa dinami-dami ng mga Kapuso leading man ngayon, talagang parehong pinili nina Robb at Azi si Alden bilang kanilang ultimate “dream date.”

Sumalang ang dalawang sexy actress sa “Pick and Talk” segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” recently. Ang challenge, magpapakita sa kanila si Tito Boy ng pares ng litrato ng mga Kapuso actor at pipili lamang sila ng isa.

Unang nag-flash sa screen ang mga photos nina Miguel Tanfelix at Kelvin Miranda. Pinili ni Azi si Miguel. Sey ng dalaga, bata pa lang ay napapanood na niya si Miguel sa TV, “Pangarap ko to!”

Baka Bet Mo: Vivamax Queen Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa ‘Call Me Alma’; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan

Si Miguel din ang isinagot ni Robb at tinawag pa niya itong “sobrang pogi.”

Kasunod nito, ipinakita naman ang photos nina David Licauco at Derrick Monasterio. Parehong pinili ng dalawang Vivamax stars si David dahil “baby face” at mukhang mas mabango raw.


Sa huli, ang choices ay sina Alden Richards at Ruru Madrid kung saan ang Pambansang Bae nga ang pinili nina Robb at Azi at sabay pang nag-pabebe wave na sumikat noong kasagsagan ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza.

Sey ni Robb, nakasama na niya si Ruru sa “Black Rider” at napakabait daw talaga ng aktor at hindi boring kasama.

Inusisa rin ni Tito Boy ang dalawang sexy star kung sino sa anim na Kapuso actor ang pipiliin nila sakaling mabigyan sila ng chance na maka-date ito? Si Alden pa rin ang kanilang isinagot.

Sabi ni Robb, marami siyang gustong itanong kay Alden kapag nag-date sila at hihingi rin daw siya ng advice para mas ma-improve pa ang kanyang acting.

Para naman kay Azi, isa si Alden sa mga artistang talagang hinahangaan niya dahil sa inspiring journey ng kanyang showbiz career.

“Nag-start siya naririnig ko po yung mga interview niya dati na kasabay niya raw yung production sa pag-uwi sa service tapos now sobrang yaman niya na,” sey ni Azi.

Read more...