Angeline Quinto may pa-face reveal na sa 2nd baby: ‘Meet baby Sylvia!’

Angeline Quinto may pa-face reveal na sa 2nd baby: ‘Meet baby Sylvia!’

PHOTO: Instagram/@loveangelinequinto

FINALLY, ibinandera na ng singer-actress na si Angeline Quinto ang face reveal ng kanyang baby girl!

Ito ay matapos ang isang buwan mula nang manganak si Angeline sa second baby nila ng non-showbiz husband na si Nonrev Daquina.

Sa Instagram, masayang ibinida ng singer ang latest family picture nila kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Two little blessings, and one happy family,” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Angeline super proud sa sarili: Napaka-strong ko palang babae, sa kabila ng mga nangyari sa akin, heto pa rin ako…

Dagdag niya, “Finally, maishe-share ko na sa inyo ang mga photos na ito! Sobrang saya ng puso namin at dalawa na ang blessings namin sa pamilya.”

Pagpapakilala pa niya sa newborn baby, “Meet baby Sylvia.”

Sa comment section, marami fellow celebrities ang pumuri sa lumalaking pamilya ni Angeline.

Kabilang na riyan sina Arlene Muhlach, Kaladkaren, Benj Manalo, at marami pang iba.

Narito naman ang ilang komento ng netizens at fans:

“So cute and lovely baby and Sylvio [happy face with heart eyes emoji].”

“Grabeeee ang gandaaaaaaa [happy face with heart eyes emojis]”

“Beautiful Family….. Mapagmahal na kuya si Sylvio [red heart emoji]”

“Look a like ni baby sylvia daddy niya [happy face with heart eyes emoji]”

Taong 2022 nang isinilang ng singer ang unang anak nila ni Nonrev na si Sylvio at kasunod niyan ang announcement na engaged na sila.

April this year naman nang ikinasal ang couple na ginanap sa Quiapo church sa Maynila.

Makalipas ang sumunod na buwan, masayang ibinalita ng dalawa na magkakaroon na ulit sila ng baby.

Bago pa manganak si Angeline noong Agosto, siya ay na-diagnose ng gestational diabetes.

Read more...