MTRCB binigyan ng ‘age-appropriate’ rating ang 6 na pelikula, ano-ano ito?

MTRCB binigyan ng 'age-appropriate' rating ang 6 na pelikula, ano kaya ito?

ANIM na pelikula ang binigyan ng age-appropriate rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na nagpapakita ng kakaibang sining sa paglikha.

Ang “Maple Leaf Dreams” na tungkol sa pag-ibig at pag-abot ng pangarap, ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula kina Board Members (BMs) Katrina Angela Ebarle, Racquel Maria Cruz, at Glenn Patricio.

Ang “Bad Genius” mula Thailand ay rated PG din at kailangang may kasamang magulang o nakatatanda ang mga edad 12 at pababa.

Baka Bet Mo: Hirit ni Alex sa katawan ni Maris: Asar ako sa abs mo, nagpapakita siya kahit ‘di tinatawag!

Para naman sa mga manonood na edad 16 at pataas, swak ang science-fiction na “Megalopolis” at ang maaksyon na “Twilight of the Warriors: Walled In” at “I, The Executioner.”

R-16 din ang “The Paradise of Thorns,” isang pelikulang sumentro sa pagmamahal, pagtanggap, at karapatan ng nasa LGBT community. Niribyu ito nina BMs Cruz, Atty. Cesar Pareja, at Richard Reynoso.

Hinihikayat naman ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang lahat na panoorin ang mga pelikulang tiyak na may angkop na klasipikasyon para sa manonood at kabataan.

“Ang iba’t-ibang pelikula ay binigyan ng angkop na klasipikasyon para maging gabay ng pamilyang Pilipino sa pagpili ng responsableng panonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio.

Read more...